_ngayon
^

PSN Showbiz

Rhian, nahiyang magpa-picture sa bidang aktor ng emily in Paris!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Rhian, nahiyang magpa-picture sa bidang aktor ng emily in Paris!
Rhian
STAR/ File

Ka-hotel ni Rhian Ramos sa Paris ang French actor na si Lucas Bravo at ‘yung tweet niyang “Eh yung ka-hotel ko si Lucas Bravo” ay marami ang nag-react. May humingi ng resibo para patunayang totoo ang kanyang tweet at ang gustong resibo ay magpa-picture siya kasama ang aktor. Sagot ni Rhian, “Ayaw. Hiya ako eh=) check Doc Vicki’s IS stories na lang.”

May mga nagtanggol kay Rhian sa mga nagduda sa kanyang tweet na hindi ito magsisinungaling kung sino ang kanyang nakita. May mga nanghinayang na hindi niya nalapitan ang aktor gayung chance na niya.

Si Lucas Bravo ang lead actor sa Netflix rom-com series na Emily in Paris opposite Lilly Collins. Kilala ang actor ng Filipino fans dahil sa Netflix, kaya sa tweet na ito ni Rhian, marami ang natuwa.

Parang nakabalik na si Rhian, naka-quarantine lang sa isang hotel. May gagawing afternoon teleserye si Rhian sa GMA 7, ang Artikulo 247 kasama sina Jackie Rice, Mark Herras, at Benjamin Alves.

KC, inakusahang peke ang nguso

Ang lips naman ni KC Concepcion ang pinagtripan ng netizens dahil iginigiit nilang dumaan sa lip filler para maging full o parang laging naka-pout ang dumaan sa prosesong ito.

Sana raw, hindi na ipinagalaw ni KC ang kanyang lips dahil maganda na siya kahit hindi pouty ang lips. May nag-comment pang she doesn’t need a fuller lips dahil nasisira ang beauty niya. May nagsabi pang nami-miss nila ang kanyang natural look at may naumay naman sa kanyang fake na nguso.

Kung may mga hindi nagkagusto sa “pouty look” ni KC, marami naman ang nagkagusto at ‘wag na lang nitong pansinin ang nega comments. I-enjoy niya ang bakasyon niya sa California, pero ang wish pa rin nila, magkaroon na ng love life si KC.

Kiray, may pa-money cake rin sa tatay

Bongga magpa-birthday si Kiray Celis sa pa­rents niya dahil bukod sa masarap na food na handa, laging may money cake at hindi lang P20,000 ang kanyang binibigay. Sa birthday ng mom ni Kiray dahil 56 years old ito, P56K din ang nasa money cake nito. Ang dad ni Kiray na nag-celebrate ng kanyang 62nd birthday, P62K din ang nasa money cake nito na maganda ang pagkakaayos.

Natutuwa ang netizens kay Kiray at kung gaano nito ipinapakita ang pagmamahal sa parents niya at sa buong pamilya niya. Spoiled kay Kiray ang kanyang mga pamangkin at noong wala pang CO­VID-19, lumalabas sila ng kanyang mga pamangkin at ipinagsa-shopping ang mga bata.

RHIAN RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with