Inigo at Moophs, magpapaganda ng araw
May good vibes namang hatid ang bagong kantang pinagsamahan nina Inigo Pascual at Moophs— ang kanilang unang all-Filipino song na Araw Mo.
Napapakinggan na ito since Friday (July 23) na tungkol sa pag-asa sa hinaharap at sa pagmamahal na naghatid ng nasabing pag-asa.
May hatid na passion at excitement ang pag-awit ni Inigo ng bagong Tarsier Records release na naglalahad ng mensahe na, “Ito ang araw mo (This is your day)!”
Samantala, ibinahagi naman ni Moophs na excited siya sa proyekto dahil sa unang pagkakataon ay gumawa siya ng Tagalog song para kay Inigo.
- Latest