^

PSN Showbiz

Milyonaryong gay, pinag-aagawan ng dalawang gwapo at tisoy na actor!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dalawang tisoy na male personalities ang pinagpistahan isang gabi ng mga beking staff ng isang malaking produksyion. Hindi pala sila nagbabatian kapag nagkikita sila kahit saan.

Nagkaroon pala sila ng isang matinding kumpetisyon ilang taon na ang nakararaan na ang sangkot ay isang milyonaryong gay personality.

Kuwento ng aming source, “Diretsuhin na natin, pareho kasi silang namamakla! Ang unang nakarelasyon ng gay businessman, e, si Tisoy 1. Malaki ang naitulong sa kanya ng beki lalo na sa kanyang pag-aaral.

“Spoiled si Tisoy 1 sa negosyante, lahat ng gusto niya, nakukuha niya agad-agad. Impernes, napaka-loyal naman ng male personality sa kanyang gay provider.

“Nakailang taon sila, napakasimple lang nilang magdala, nakikita silang magkasama sa mga party, pero hindi sila nagpapakita ng kalaswaan. Basta, alam lang nilang nagmamahalan sila,” unang kuwento ng aming impormante.

Nasayang ang ilang taon nilang relasyon nang um-enter the dragon na si Tisoy 2. Nagkita sa isang lugar ang gay businessman at ang tisoy na aktor, nagkakuwentuhan sila, hanggang sa nagkahulugan na sila ng loob.

Patuloy ng aming source, “Walang kaalam-alam si Tisoy 1 na meron na palang bagong pinagkakaabalahan ang gay businessman. Nakahalata lang ang tisoy na aktor dahil umaalis nang walang paalam sa kanya ang beki.

“Hanggang sa one day, habang naliligo ang gay businessman, e, may tumawag. Paulit-ulit ang tawag, kaya sinagot na ni Tisoy 1 ang caller. Na-shock siya, may ipinadeliber palang gym equipment ang beki sa housing authority ni Tisoy 2.

“Inurirat na ni Tisoy 1 kung saan ipina-deliver ng beki ang mga gym equipment at kung anu-ano ang iba pang ipinadala ng karelasyon niyang gay businessman.

“Shocking Asia si Tisoy 1, bukod pala sa mga gym stuff, e, may mga nauna nang appliances na ipinadeliber ang beki kay Tisoy 2.

“’Yun na! Nabuking na ni Tisoy 1 ang relasyon ng beki at ni Tisoy 2. Ang nakakaloka, wala ring kaalam-alam ang girlfriend ni Tisoy 2 na namamakla pala ang boyfriend niya!

“Hanggang ngayon, hindi kinikibo ni Tisoy 1 ang male personality na mahilig sa girls, pero may karelasyon ding beki! Alam kaya ng girlfriend ngayon ni Tisoy 2 ang background ng boyfriend niya?

“Nakakaloka! Ang haba-haba naman ng hair ng milyonaryong gay businessman na ‘yun! Pinag-agawan siya ng dalawang guwapo at tisoy na aktor na may idinidispley na girlfriend!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon, walang-wala sa utak ang pulitika

Ayaw talagang tantanan ng mga fake news si Sharon Cuneta. Pagkatapos niyang maging biktima ng inimbentong kuwentong naaksidente siya at namatay sa Amerika at ipamalitang binugbog ng kanyang asawang senador ay heto pa ang isang fake news.

Kaya raw siya biglaang nagpunta sa Amerika bukod sa kuwentong nahuli siyang may karelasyong mas bata ni Senador Kiko Pangilinan ay para pag-isipang mabuti ang kanyang planong tumakbong mayor ng Pasay City.

Nakipagmiting daw siya sa kanyang mga kaibigang mamumuhunan sa kanyang kandidatura. Marami raw susuporta sa Megastar sa kanyang pagkandidato. May nabuo na raw siyang grupo para sa kanyang kampanya.

Komento ni Sharon sa pinakahuli naming pag-uusap nu’ng isang gabi, “Mas malayo pa sa mga planeta ang kuwentong ‘yan! Isang politician nga lang sa pamilya namin, e, nagkakagulo na, dadagdag pa ba naman ako?

“Naku, walang-wala sa utak ko ang politics, masaya na ang buhay ko with my family, ayoko nang gawin pang kumplikado! Saan ba nila napagkukukuha ang mga fake news na ‘yan? Wala silang kadala-dala!” natatawang-naiinis na paliwanag ni Sharon.

Aasikasuhin lang muna niya ang pag-aaral ni Kakie sa New York, pati ang bahay kung saan titira ang panganay nila ni Senador Kiko, para kapag umuwi siya ay wala nang problema si Kakie.

Isang bagong university ang papasukan ni Frankie, bago lang ang kolehiyo na ayaw niyang pangalanan, pero du’n nag-aaral ang mga anak ng mga popular na lider ng iba-ibang bansa.

Nagkita-kita na sila ng kanyang mga dating kaklase nu’ng high school, nasa malalayong lugar sa Amerika ang mga ito, pero bumiyahe pa para lang siya makita.

“Walang katapusang kuwentuhan at halakhakan talaga ang nangyayari kapag magkakasama kami, alam mo na ang high school life, ginawa ko pa ngang kanta ‘yun, napakasaya!” kuwento pa ni Sharon Cuneta.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with