_ngayon
^

PSN Showbiz

Mayor Vico, mas priority dapat ang lovelife!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, mas priority dapat ang lovelife!
Mayor Vico
STAR/ File

Exciting siguro ‘pag natuloy ‘yung pagtakbo ni Mayor Vico Sotto sa mas mataas na posisyon kahit pa itinanggi na niya. Hindi pa nga panahon ngayon dahil 32 years old lang siya, at sabi niya he will run again as mayor ng Pasig na palagay ko mas mabuti para maipakita niya pang lalo ang mga plano niya sa Pasig. 

Maingay ang panalo ni Vico dahil nga ang tinalo niya haligi ng pulitika sa lugar nila. At ipinakita niya na kaya ng liderato niya ang mamuno. Maganda rin na agad-agad may nakitang pagbabago, at dahil bata si Mayor Vico, ‘yung energy niya at mga plano, aggressive at may kaibahan sa mga dating namahala. 

Hangang-hanga sila Cong. Roman Romulo at Shalani kay Mayor Vico na kapartido nila nang tumakbo. Kaya naman smooth ang mga plano para sa lungsod dahil magkatulong ang Mayor at Congressman nila sa pagsasaayos ng siyudad. 

Bongga talaga na nakikita nina Vic Sotto at Coney Reyes ang malaking achievement ng anak nilang si Mayor Vico. Lalo na ‘pag ang pinakamataas na posisyon na ang tatakbuhin nito, very exciting. 

Wait pa tayo, 32 years old lang, baka nga dapat hanapin na rin ang lovelife. 

Coco at Julia, matagal nagtago

Amazing ‘yung pagtanggap ng followers nina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang parang admittance ng love. Parang lahat ay tuwang-tuwa na lumantad na ang dalawa. At masasabi mo na matagal ding hinintay ng kanilang followers. 

Iyon nga ang sinasabi ng marami sa showbiz, kahit sino ang mahalin ni Coco malugod nilang tatanggapin. At maganda nga na isang Julia na matagal ding itinago ang kanyang pinili. Bagay sila physically, akmang-akma ang personalidad, magandang pair ika nga. 

Iyon ding ugali ni Julia bagay sa pagiging tahimik ni Coco. Sana nga tuluy-tuloy na ang love affair nila dahil they are not getting any younger. 

Madali lang namang mahalin ang isang pareha lalo pa at nakikita mo na maligaya sila pareho, mukha namang happy and contented si Julia kay Coco. 

Ngayong open na ang lahat, at least malaya na ang kilos ng dalawa, wala nang dapat itago o katakutan pa.

VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with