_ngayon
^

PSN Showbiz

Dra. Vicki, Hayden at Scarlet, normal na ang pamamasyal sa Paris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dra. Vicki, Hayden at Scarlet, normal na ang pamamasyal sa Paris
Dra. Vicky, Hayden and Scarlet
STAR/ File

Bongga ang mga pictorial nina Dra. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho at Scarlet sa Paris ha. Katuwa na parang wala na talagang pandemic doon dahil parang ang dami nang mga tao sa kalye.

Ang suwerte ni Scarlet dahil isang buong buwan silang magbabakasyon doon, parang for a month ang playground niya ang streets of the city of lights.

Buti na lang at kahit papaano we had a chance to walk down those streets, na actually thru the courtesy and kindness din ni Dra. Vicki Belo.

Familiar na sight sa atin ang Rue de Duras at Rue Saint-Honoré ‘di ba Salve.

Bongga talaga. Paris, we will visit you again, Promise!

Kawalan ng ingay Kris, nakakapanibago

‘Pag umuulan parang meron kang feeling of melancholia. Parang iba ang dating ng tubig mula sa langit ‘di bah!

Bigla ngang pumasok sa isip ko na parang something is wrong dahil para bang walang balita kay Kris Aquino. Natuloy kaya ang bakasyon niya sa USA kasama ang mga anak niya. Parang ang saya kasi ng family vacation nina Dra. Vicki, Dr. Hayden at Scarlet sa Paris.

At alam mo ba na kahit si Rhian Ramos nasa Paris din at naglilibot.

Ang galing naman na parang ‘yung normalcy sa paligid and slowly nagbabalik na. Kahit pa nga ang mahal daw ngayon ng mga airline ticket dahil may restrictions sa occupancy dahil nga sa social distan­cing. Saka siyempre, medyo hindi naman full operations ang airlines kaya siguro ganun.

Pero kidding aside, talagang med­yo hindi ako sanay na hindi nakakarinig ng balita about Kris na ever since newsmaker talaga. O baka naman tagumpay siya ngayon sa pagkakaroon ng quiet life after mamatay ng kapatid na si PNoy, na mabuti naman para sa kanyang healing process.

Sana nga medyo matahimik na ang lahat for Kris.

Hay naku, talagang rain is parang giving you the creeps sometimes. Lalo pa at may kasamang malakas na kulog. Para bang may mga hindi magandang premonitions, pero nandiyan pa rin ang hope na sana a better day after the rain.

HAYDEN KHO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with