Anak ni Claudine na panganay, may dyowa na

Raffy at Sabina
STAR/ File

Aww, may boyfriend na pala ang anak ni Claudine Barretto na si Sabina.

Napagkamalan kasing si Santino (son nila ng ex-husband na si Raymart Santiago) ang kasama sa photo ni Sabina, pero ikinorek ni Claudine na “That’s Not SANTINO. Thats Raffy, Sabs boyfriend.Saint doesn’t want his Pictures taken,” comment ni Claudine sa 17th birthday celebration ni Sabina na andun nga ang boyfriend nito na uploaded sa Instagram account ng actress.

As usual ang daming nag-comment na masyado­ pang bata si Sabina para mag-boyfriend kaya sana raw ay ingatan ni Claudine.

Nag-aaral sa isang international school si Sabina. Grade 9 ito.

Show comments