_ngayon
^

PSN Showbiz

Bong, ayaw tigilan ng panghuhusga

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, ayaw tigilan ng panghuhusga
Bong

Kahit ano pang sabihin ng mga one-sided biased na tao, sa mata ng batas, acquitted na si Bong Revilla. Kahit pa nga nakakalungkot na merong mga judgmental at righteous na para bang hindi nagkasala o nagkamali, mataas na hukuman na ang nagsabi na walang sala si Bong. 

Hanga nga ako na hindi siya nagtanim ng galit sa mga tao na naging dahilan ng halos mahigit na apat na taon niya sa Crame. Sa mga tao na hindi muna tiningnang mabuti ang mga ebidensiya at naghusga agad, na hanggang ngayon dala ni Bong ang stigma dahil doon. Panahon iyon na sobra ang pulitika, at sinamantala ng ilang tao para masira ang ilang akala nila ay magiging kalaban nila, at isa si Bong sa biktima nito.

Marahil nga, isa rin iyon sa mga pagsubok sa buhay na ibinigay ni God, para maging mas maingat pa si Bong sa mga kilos at ginagawa niya. Ilang taong nagdusa, nag-reflect, at saka ibinigay ang liwanag. 

Isang pagsubok sa katatagan ng loob ni Bong sa gitna ng problema. At doon ko nakita ang tunay na ugali niya, ‘yung pagiging mapagpatawad, hindi nagtatanim ng galit, ‘yung kababaan ng loob. Sabihin na nila ang gusto nilang ibintang, kahit pa nga ang iba sobra na ang pagiging biased at hindi matanggap na walang kasalanan si Bong, pero isang bagay ang lagi nang paniniwalaan niya, merong justice, matagal mang dumating, darating pa rin para hugasan ang dumi na inilagay sa iyo ng iba. Patibay ang pananalig ng mga nagtiwala na ibigay uli sa kanya ang puwesto sa senado. Patunay ang mga tao na gusto pa rin siyang makita sa TV. 

Kung meron mang patuloy na may galit sa kanya, mas malamang pa rin ‘yung nagmamahal, nagtitiwala.

Mga nanloloko ng riders, dapat parusahan

Hindi fair ang ginagawa ng iba na niloloko ang riders? 

Halimbawa ‘yung gaya ng ginawa kay Kris Bernal, kawawa naman ang riders ng Grab na kinailangang mag-abono sila dahil nga sa kagagahan ng isang tao na nag-order na hindi naman totoo. I-consider ‘yung riders na naging napakalaking tulong sa ating lahat ngayong pandemic na silent heroes. ‘Yung mga hindi natin nagawa sa takot na baka magkasakit, bawal lumabas, pero heto, ang riders ang buong tapang na naghahatid sa atin ng mga kailangan natin. Umulan, umaraw, sa konting halaga, buong tapang nilang sinusuong ang panganib sa daan. 

Isang malaking kasalanan sa riders, ‘yung mag-order ka at hindi sila mabayaran. Nasaan ang konsensiya? Nasaan ang awa n’yo sa mga tao na hirap magtrabaho sa gitna ng araw at ulan? So unfair, so foolish. Kaya nagkakaroon ng pandemic dahil sa mga tao na tulad ng mga walang utak na gumawa nito. Dapat magmulta ng malaki ang may gawa, doblehin ang singilin sa kanya.  ilabas ang photo niya, hayaang makilala siya ng lahat para makita nila kung anong klase ng utak meron ang nasabing gumawa ng kalokohan ito. 

Love our riders, sila ang isa sa reason bakit tayo naging safe sa COVID-19 hanggang ngayon. Dapat natin silangpasalamatan at tulungan, huwag isali sa kalokohan ng utak natin.

 

 

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with