^

PSN Showbiz

Beking host pera lang ang pinahahalagahan, walang pake sa ibang tao

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maigsi lang ang kuwentong ito ng aming source pero rock! Markado, hindi mada­ling kalimutan, mismong ang impormante namin ang naging saksi sa kaangasan ng isang sikat na TV personality!

Ilang taon na ang nakararaan ay ipinanganak ang isang tambalan na yumanig sa mundo ng telebisyon. Parang sa kanila lang nakatutok ang buong bayan nu’n, walang pakialam ang manonood­ sa ibang programa, basta sa kanilang love­team lang umiikot ang mundo ng mga Pinoy.

‘Yun ang panahon pinulot sa kangkungan ang rating ng katapat nilang programa, susuko na nga dapat sa giyera ang show, ginawan lang ng paraan ng network nila na ituloy ang programa kahit sumisinghap-singhap na.

Kuwento ng aming source, “Malungkot ang studio nila, parang may lamay, alam kasi nila na magta-tumbling man ang mga hosts sa kabuuan ng show, e, wala namang nakakapanood sa kanila kundi ang mga kapamilya lang nila!

“So, gusto na nilang sumuko, magre-reformat na dapat ang show, may ilang exe­cutives lang na nagdesisyong lalaban pa rin sila!

“Nakakaawa naman kasi talaga ang show, double digit ang rating ng katapat nila, samantalang ang programa nila, e, hirap na hirap pang maka-single digit sa sobrang baba!” unang kuwento ng aming impormante.

Kinakapos na ng pag-asa ang buong produksiyon, malulungkot ang mga hosts sa banta ng pagsasarado na lang ng kanilang show, nag-usap-usap ang mga humahawak ng mikropono.

Tandang-tanda pa ng aming source, “Nandu’n kami nu’n, may kinausap kaming production staff na katransaksiyon namin. Dinig na dinig namin ang sinabi nu’ng beking host, ‘Wala akong pakialam! Basta ako, may pera na ako!’

“Hindi niya puwedeng i-deny ‘yun, marami kaming nakarinig sa pagyayabang niya! Malungkot na malungkot ang mga kasamahan niya, pero siya, ang ipinagyayabang niya, e, may pera na siya!

“Wala siyang pakialam sa mga mawawalan ng trabaho kung sakaling magsara ang show, basta ang sa kanya lang, e, may pera na siya! Hindi na siya maghihirap, nakaipon na siya ng datung!” inis na inis na kuwento ng aming source.

Ubos!

Robin, binunyag na may third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie

Hindi na kailangan pang idaan sa blind item—kumpirmado nang hiwalay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ang pinag-ugatan ng kuwento ay walang iba kundi si Robin Padilla sa vlog ng anak-anakan naming si Ogie Diaz.

Sa isang panahong nagtatanungan pa at nag­huhulaan ang marami kung ano ba ang tunay na kaganapan sa relasyon ng mag-asawa ay si Robin na mismo ang naglagay ng tuldok sa istorya.

Sinabi ni Robin na naniniwala itong nagkaroon ng third party sa relasyon ng kanyang anak at manugang pero hindi naman nito pinagdamutan ng pang-unawa si Aljur bilang kapwa lalaki na paminsan-minsan ay nahuhulog sa tukso sa ibang babae.

Nu’ng unang lumutang ang kuwento ng hiwalayan ay lumabas na ang anggulo ng third party. Pero madiing itinanggi ‘yun ni Aljur, walang ganu’ng senaryo, hindi raw niya magagawang saktan si Kylie sa ganu’ng paraan.

Iba ang kuwentong nakarating sa amin na mula naman sa kampo ng aktor. Ang sitwasyon ng kanilang kabuhayan ang lumilitaw na dahilan dahil wala ngang mga proyektong ginagawa si Aljur.

Hindi raw totoo ang pahayag ni Robin na tinatamad nang magtrabaho si Aljur, trabaho ang problema, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Saka ‘yung ipinost ni Kylie na parang siya na lang ang bumubuhay sa mga anak nila, hindi totoo ‘yun, hindi nagpapabaya sa obligasyon niya si Aljur.

“Meron siyang pamilyang susuporta sa kanya kung talagang walang-wala na siya, hindi siya pababayaan ng parents niya, kaya mali ‘yung lumabas na si Kylie ang palaging gumagastos dahil tamad magtrabaho si Aljur,” malinaw pang punto ng aming kausap.

Maaga silang bumitiw sa laban. Hindi nila kinayang isalba ang kanilang pagmamahalan na pareho nilang ipinaglaban. Pero tama ang sinabi ni Robin na huwag na nilang ipinaaalam pa sa publiko ang kanilang emosyon.

Wala nga namang magagagawa ang ibang tao sa kanilang problema, pagpipistahan lang sila at huhusgahan, na lalo pang magpapalayo ng loob nila sa isa’t isa.

Isa lang ang naaalala ni Robin nu’ng mag-usap sila ni Aljur, simple lang ang kanyang pakiusap, “Huwag mo lang saktan ang anak ko.”

Sayang na relasyon na naging maayos ang simula, pero tumabang nu’ng bandang huli, meron pa naman silang mga anak.

ROBIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user