^

PSN Showbiz

Bea nakalayas na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea nakalayas na!
Bea
STAR/ File

Kahapon ay lumipad na patungong Amerika si Bea Alonzo. Ka-text niya ang isang kaibigan ko at sinabi niyang magkukuwento na lang daw siya pagbalik niya bandang first week of August ng Pilipinas.

Doon ay haharapin na ng bagong Kapuso actress ang gagawin niyang drama series sa GMA 7.

Lumikha ng ingay ang paglipat niya at pagmamarakulyo ng ilang taga-ABS-CBN 2. Ipinagsisintir nila ang teleseryeng hindi tinapos ng aktres. Naudlot ito dahil sa pagputok ng pandemya, at nung puwede nang mag-taping, ayaw daw ni Bea sa lock-in taping.

Hanggang sa natapos na ang kontrata ng aktres sa ABS-CBN 2.

Sinasabi naman ni Bea na kahit mabigat at puno ng emosyon ang pagpapaalam niya kay Mr. Carlo Katigbak, binigyan siya ng basbas na lumipat sa GMA 7.

Ngayon ay may nagsasabi pang dapat bayaran daw ng aktres ang nagastos sa naudlot na teleserye.

May ilang nagtanggol naman at naintindihan ang desisyon ng aktres, pero meron pang nag-trending na #KapamilyaForever.

Siguro kung talagang kailangan pang may pananagutan si Bea sa Kapamilya network, at kung kailangan niyang bayaran, sana sinabi na ‘yan sa kanya ng big boss o idinaan sa legal na paraan. Hindi ‘yung basta na lang may magsasabing, “bayaran mo ‘yan!”

Ayaw na lang itong patulan ni Bea.

Sabi nga niya, doon na lang daw siya mag-focus sa positibong bagay.

Sen. Bong, nabunutan ng santambak na tinik

Parang nabunutan ng sangkatutak na tinik ang dibdib ni Sen. Bong Revilla nang na-grant ng Sandiganbayan ang Demurrer to Evidence at na-dismiss na ang kasong Graft and Corruption na isinampa laban sa kanya.

Ito na lang ang kasong natira sa senador pagkatapos siyang ma-acquit sa kasong Plunder nung 2018.

Ibig sabihin, malinis na at abswelto na siya sa lahat ng kasong isinampa laban sa kanya. Walong taon din niyang pinagdusahan ito kasama na ang mahigit apat na taong pagkapiit sa Camp Crame.

Sabi sa amin ni Sen. Bong, nalinis ang pangalan niya rito, pero nayurakan na siya at nahusgahan na sa publiko. “Walong taon ko rin hinarap ‘yan ang lahat na panghuhusga at nayurakan na ang buong pagkatao ko, pati ang pamilya ko,” pakli ng senador.

Pero ipinagpasa-Diyos na lang ito ni Sen. Bong at mas gusto na lang daw niyang mag-focus sa pagpapasalamat.

Naalala niya ang pangako niya sa kanyang ama, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr. na darating ang araw ay malilinis din daw ang pangalan niya, at eto na nga ‘yun.

Naalala niya sa huling privilege speech niya sa Senado nung 2014 bago siya sumurender sa Sandiganbayan, nandun ang Daddy Ramon niya.

Sinabi niya sa kanyang ama, “Daddy, lalabas din ang katotohanan at malilinis ko rin ang ating nadungisan na pangalan, pangako ko po ‘yan.”

Alam daw niyang nakangiti na ngayon ang kanyang ama sa kabilang buhay, at masaya na ito dahil nalinis na ang kanyang pangalan.

Kaya move on move on na raw. Bukod sa pagiging abala niya sa senado ay excited na rin si Sen. Bong sa gagawing book two ng Agimat ng Agila.

Malapit nang matapos ang unang season na ito, at pati ang ilang co-stars niya ay excited na rin sa pagsisimula ng book two.

Ang pagkakaalam ko, may dalawang co-stars si Sen. Bong sa Agimat ng Agila na balak kunin ng Ang Probinsyano, pero tumanggi sila dahil mas gusto nilang maging bahagi pa rin sila sa mini-series na ito ni Sen. Bong.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with