_ngayon
^

PSN Showbiz

Jake, nag-multi-tasking sa taping!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake, nag-multi-tasking sa taping!
Jake
STAR/ File

Isa si Jake Ejercito sa mga bida ng tele­seryeng Marry Me, Marry You kasama sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Nakailang taping days na rin para sa bagong proyekto ang aktor. Bilang baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte ay namamangha raw minsan si Jake sa mga kasamahan.

“When you see the cast kasi you see a mix of veteran and new actors and actresses. It’s an overwhelming experience eh. Sometimes during takes parang I find myself watching also. Parang nagiging fan ako nila. We’ve done one cycle already of lock-in taping and the camaraderie is great actually. I treat it also as a great learning experience,” nakangiting pahayag ni Jake.

Sumailalim ang aktor sa virtual acting workshops bilang paghahanda sa naturang proyekto. Aminado si Jake na talagang nahirapan siya dahil hindi nakasama nang pisikal si Rahyan Carlos na nagturo sa kanya. “It was direk Rahyan and unfortunately it’s just via Zoom. It’s quite difficult ‘pag via Zoom. Iba pa rin siyempre ‘yung face to face but we have to make do with it as of now. But considering na naka-first cycle na kami ng lock-in, it really did help me a lot. Tama ‘yung sabi nila na when you get to the set, talagang multi-tasking eh. Mentally you have to know your lines and then ‘yung mga technical side of things, ‘yung marking, ‘yung blocking, and then siyempre ‘yung emotions mo pa. So talagang it’s a big help,” kuwento ng aktor.

Jake, nag-multi-tasking sa taping!

Napapanood na ngayon sa Kapamilya Channel ang teleseryeng La Vida Lena na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Mula sa karakter ng aktres bilang si Magda ay magkakaroon ng transpormasyon at magiging si Lena.

Kinailangan umanong lagyan ng prosthetics ang mukha ni Erich para sa ilang mga eksena sa naturang serye. “’Yun din ‘yung isa sa naging challenge for me. Siyempre sa mga eksena mainit so natatanggal talaga siya, so kailangang idikit na naman. ‘Yung paglagay ng prosthetics it takes long talaga and ‘yung pagtanggal din. Medyo sensitive ‘yung skin natin. So hindi naiwasan ‘yung nagkaroon siya ng irritation pero okay lang para sa ikagaganda ng story lang din. Kahit super mainit ‘yung weather natin, ‘pag namuo ‘yung pawis sa loob, kasi may option na tanggalin pero kakain na naman sa oras natin ‘yon. Basta ‘yung entire duration ng taping nakadikit lang siya. So ‘yung pawis nag-stay do’n pero okay lang, no complaints,” pagdedetal­ye ni Erich.

Masayang-masaya ang aktres dahil bukod sa Kapamilya Channel ay napapanood din ang La Vida Lena sa TVplus box, A2Z, TV5, iWantTFC, TFC at IPTV. Kaya mas maraming pamilyang Pilipino ang nakakasubaybay ngayon dito. “Kasi ‘yon talaga ‘yung core natin, ‘yon ang gusto rin mapanood ng mga viewers natin. So kini-cater lang din natin what they want to watch. And us being Filipinos, ‘yon talaga ‘yung heart natin, ‘yung family. That’s why do’n umiikot ‘yung story,” pagbabahagi ng dalaga.
(Reports from JCC)

JAKE EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with