^

PSN Showbiz

Carlo, ramdam na nakakabalik na paunti-unti ang ABS-CBN

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carlo, ramdam na nakakabalik na paunti-unti ang ABS-CBN
Carlo
STAR/ File

Para kay Carlo Aquino ay talagang malaki ang naitulong ng Star Magic sa paghubog ng kanyang pagkatao. Mahigit dalawang dekada nang natutulungan ng talent management arm ng ABS-CBN ang aktor. “Nag-start ako nine years old, so more than two decades na ako with Star Magic. Ever since, ‘yung pag-hone ng skills ko tapos tinuruan nila akong maging professional and responsible sa work. Siyempre sa buhay din, ‘yun ‘yung mga natutunan ko sa kanila,” paglalahad ni Carlo.

Masaya ang aktor dahil kahit paano ay nakikita raw niyang nakababalik na paunti-unti sa Kapamilya network ang ilang empleyado na nakabilang sa company retrenchment noong isang taon. “I’m grateful to ABS-CBN and sa opportunities na binibigay nila. Nakakatuwa, nakakabalik na ‘yung dating na-retrench. Isa lang ang ibig sabihin no’n, na medyo nakakabalik na ang ABS-CBN. So masaya din kami for ABS,” nakangiting pahayag ng aktor.

Kit, na tension kay Erich nung umpisa

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatrabaho sina Erich Gonzales at Kit Thompson sa isang proyekto. Isa ang aktor sa mga katambal ng dalaga sa La Vida Lena na mapapanood na simula bukas. Pinagsumikapan umano ni Kit na mapalapit kay Erich upang magkaroon sila ng chemistry sa harap ng kamera. “With having a new partner, I always try to know ano ba ‘yung magugustuhan ko dito sa tao na ‘to. Sobrang dali niyang katrabaho. Super supportive as co-actress. Kasi may tension ako no’ng una. Medyo tense talaga ako no’ng una pero no’ng pinakita niya sa akin na it’s going to be okay, we worked from there and do’n nag-build ‘yung trust namin sa isa’t isa during taping for the show,” kwento ni Kit.

Gagampanan ng aktor ang karakter ni Miguel Villarica na magkakaroon ng pagtingin kay Lena na karakter ni Erich. “Magkakagusto talaga ako kay Lena. May redemption din dito si Miguel. Actually sa bandang dulo na ‘yon, ‘yung talagang mari-realize niya ‘yung mga ginawa niya sa buhay niya at saka ‘yung mga sinaktan niya. Everything’s that he’s done, makaka-redemption siya. So yes magugustuhan niya si Magda pero tingnan na lang natin kung magkakatuluyan,” pagdedetalye ng binata.

Ayon kay Kit ay talagang kaabang-abang ang bawat eksenang gagawin ni Erich sa bagong serye. Mula sa pagiging si Magda ay magiging si Lena naman kapag dumating na ang panahon nang paghihiganti ng aktres. “Makikita nila dito to what extent ba ang kaya mong gawin para protektahan ‘yung pamilya mo. That question, ‘yon ‘yung pinagdaanan ni Magda. Do’n siya na-trigger na lumaban, to fight for what’s right or what she thinks is right. To protect her family, to protect herself, to prove herself. Pero more than that, I think it is to protect her family,” pagbabahagi ng aktor.

Reports from JCC

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with