_ngayon
^

Veteran singer-actress na mahusay makisama, nasisira ang araw ‘pag naririnig ang pangalan ng isang female personality

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Masayahin ang isang veteran singer-actress. Napakagaan niyang kasama, punumpuno ng saya ang paligid lalo na kapag bumabangka na siya sa kuwentuhan, ‘yun ang sinasabing dahilan ng kanyang mga katrabaho kung bakit parang hindi siya tumatanda.

Pasensiyosa rin ang veteran singer-actress, ang maliliit na bagay na puwede namang palampasin na lang ay kinakaya niya, ayaw niya kasi ng kaaway.

Kuwento ng aming source, “Meron na ba tayong naririnig na nega tungkol sa kanya? Waley! Napakahusay kasi niyang makisama, saka hindi siya mukhang pera, madali siyang kausap.

“Pero isa lang ang hina niya. Huwag mong sasaktan ang mga taong mahal niya, du’n lumalabas ang pangil niya!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Palaging totoo sa kanyang mga panayam ang beteranang singer-actress, kung ano ang tanong ay sinasagot niya nang sobrang totoo, wala siyang itinatago.

Patuloy ng aming source, “Hindi kasi siya maepal, hindi siya sawsawera, pero tanungin mo siya nang diretso at baka mahulog ka sa silya sa mga isasagot niya!

“Hindi siya pinagsisimulan ng gulo at ng kahit anong issue, pero kapag nagbigay na siya ng reaction, nakakaloka! Ganu’n siya katotoo, hindi niya kayang lokohin ang sarili niya at ang publiko.

“Ang mga taong tahimik lang ang pinakamahirap na kalaban at ‘yun siya!” madiing kuwento ng aming impormante.

Pero kahit nasa gitna ng pagkokomedya ang veteran singer-actress ay biglang nagbabago ang kanyang timpla kapag narinig na niya ang pangalan ng isang female personality.

“Wala siyang sasabihin, wala kang maririnig na kahit ano mula sa kanya, pero naman! Nagsasalita ang itsura niya! Biglang tumataas ang kilay niya, umiirap siya, ayaw na ayaw niyang marinig ang name ng female personality na ‘yun!

“Matindi kasi talaga ang nangyari sa kanila, ilang dekada na ang nakararaan, pero hanggang ngayon, kapag bumabalik sa alaala niya ang lahat, e, nasisira ang araw niya!

“’Yun lang ang kaisa-isang nakasisira sa araw niya, wala nang iba, kapag ang pangalan na ng female personality ang narinig niya, naku, lumalabas na ang pangil niya!

“Ayaw niyang sabihin kung bakit pero may pinagsabihan siyang kaibigan na ‘yun lang sa unang-unang pagkakataon siya nakaengkuwentro ng taong sobrang bastos!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Julia, nakahawla ang mga galaw

Parang ibon na nakakulong sa hawla si Julia Barretto. Wala siyang kalayaang gawin ang kanyang gusto, sinusukat ng publiko ang bawat hakbang niya, sinisipat ang kanyang mga aksiyon.

Lahat na yata ng kanegahan ay naipon kay Julia nitong mga nakaraang panahon. Ang bintang ng pang-aahas niya kay Bea Alonzo, ang idinedenay na pakikipagrelasyon kay Gerald Anderson, at ang maselang relasyon nilang mag-ama.

May pabrika man ng pangontra sa mga isyung nabanggit si Julia ay mahihirapan siyang makaparehas. Nauna na kasi ang mga batong ipinukol laban sa kanya na nang lumaon ay napatunayang totoo na nagsinugaling siya.

Walang kamatayan ang isyu sa pagitan nila ng kanyang amang si Dennis Padilla. Minsan siyang nagtangkang mabuo ang kanilang tulay nang mag-vlog siya kasama si Dennis pero negatibo pa rin ang reaksiyong napala niya.

Ano nga ba ang dapat gawin ni Julia para makawala siya sa hawla ng paghusga? Napakabata pa niya para maranasan ang lahat ng ito. Hindi man siya nagpapakita ng kahinaan sa publiko ay siguradong matindi ang kanyang pag-aray kapag nag-iisa na lang siya.

Nu’ng Father’s Day ay binantayan siya, hindi raw niya binati si Dennis, sa halip ay ang Lolo Mike niya ang naalala ng dalaga. Prusisyon na naman ng kanegahang salita ang ipinukol laban sa kanya.

Pero paano kung sa halip na mag-post ay tinawagan niya pala si Dennis para batiin? Paano kung naging makabuluhan pala ang kanilang pag-uusap?

 

SINGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with