^

PSN Showbiz

Mayor Joy at PM, solid ang ginagawang trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy at PM, solid ang ginagawang trabaho
Mayor Joy

Naku Salve ang daming lumalabas na balita tungkol sa eleksiyon next year at ang daming speculation na tatakbo sa Quezon City ha.

Now pa lang, hindi na mababago ang desisyon ko, Mayor Joy Belmonte pa rin at PM Vargas as my congressman.

Inuulit ko, kahit ano pa ang sabihin nila, at kahit ano pang pangalan ang lumutang Mayor Joy at PM Vargas pa rin ako.

Nakita ko kung paano magtrabaho ang dalawa sa Quezon City, nakita ko na ang pagod ni Mayor Joy at PM sa pagtulong sa mga tao na dapat tulungan.

Pinaka-maayos na yata ang bakunahan na nakita ko sa Quezon City, talagang all out lahat para kung puwede lang protektodo lahat talagang ginagawa nila.

Ngayon nga may ‘bakuna night’ pa na tinatawag para sa mga manggagawa na sa gabi lang puwede.

Si PM Vargas naman na isang councilor, sa termino ni Cong. Alfred Vargas sa ika-5 district talagang nasa tabi niya ang QC councilor sa lahat ng puwede niyang matutunan para sa pagpasok sa Congress dahil nga pahinga muna si Alfred sa pulitika at tutukan muna ang pamilya at showbiz career.

Kaya now pa lang, deklarado na ako, walang mababago, Mayor Joy Belmonte at PM Vargas as congressman of District 5. Talagang pila na ako sa presinto ko, umaga pa lang para buena mano sa boto, Belmonte for Mayor, Vargas for congressman.

Halika na Salve at Gorgy, ihanda na lahat para sa kampanya.

Mga sinehan ayaw pa ring buksan

Hindi pa rin pala mabigyan ng sagot ang mga taga-showbiz kung kelan magbubukas ang mga sinehan. Kaya pala hindi rin ma-final ang usapan kung magkakaroon ng filmfest sa December dahil ayaw mag-commit ng mga mall kung bubuksan na nila ang mga sinehan.

Ano nga naman mapapala mo sa festival kung sa online lang aasa, iba pa rin ang kita kung bukas ang mga sinehan.

Palagay ko hindi pa rin maayos by December ang mga problema ng pandemic, at hindi pa rin ganap na safe ang lahat para magbalik lahat sa normal, lalo na nga ang mga sinehan na enclosed at hindi maiwasan na magkatabi-tabi ang mga tao.

Kahit ang mga artista takot pa rin sa lock-in dahil nga sa balita na kadalasan sa lock-in malakas ang hawaan. Kaya medyo matamlay ang anuman balak para sa December festival maliban na lang kung talagang payag ang mga producer na on line ang showing. Malaking puhunan pero maliit ang return of investment ang mangyayari.

Heto nga ang malaking sakit sa ulo ng showbiz, mukhang nganga na naman hanggang December.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with