_ngayon
^
Kris, inaalok magpagamot sa Germany
Kris
STAR/ File

Kris, inaalok magpagamot sa Germany

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Bigla kong na-miss si Kris Aquino nang sabihin ni Joey Santos, representative ng famous stem cell clinic, na matagal na pala niyang inaalok magpa-stem cell si Kris sa Germany, kay Dr. Mueller.

Sabi ni Joey Santos, the best para sa problema ni Kris sa immune system ang stem cell na forte ni Dr. Mueller. Sabi mo nga na payat at parang hindi maganda ang aura ni Kris sa mga latest post niya sa Instagram.

At mukha ngang sobrang tahimik niya na baka may health problem na naman ito ngayon kaya lalong pumayat.

Mukha ngang hindi na muna babalik sa dati ang energy at health ni Kris dahil off and on ang pagkakasakit niya. Mabuti na lang at talagang rested siya ngayon dahil hindi muna nagtratrabaho.

Basta healthy ang dalawang anak niya, okay na si Kris.

Sana naman gumaling nang husto si Kris, mabalik sa dating energy, at makuhang muli ang zest sa trabaho.

Iba pa rin siyempre ‘pag Kris Aquino, sana nga i-try niya ang stem cell therapy ni Dr. Mueller at samahan siya ni Joey Santos sa Germany para magamot.

Malay natin ‘di ba, baka ito nga ang gamot para sa sakit ni Kris. 

ABS-CBN at GMA, sanib-puwersa  ang dating

Ang ganda naman ng pictures nina Ms. Annette Gozon Valdes at John Lloyd Cruz nang magkaroon sila ng meeting.

Talagang tuluy-tuloy na nga siguro ang paggawa ni John Lloyd sa GMA 7.

At totoo na rin na nasa GMA 7 si Ms. Mariole Alberto ng dating Star Magic.

Bongga talaga ang mga happening, maaaring totoo na rin na makikita na sa GMA 7 si direk Johnny Manahan dahil nandun na si Ms. Mariole.

Tunay na bilog ang mundo, umiikot lang tayong lahat, walang permanente, walang forever. Kaya ingat ‘pag nagsasalita nang tapos, at ‘yung akala mong hindi ka na tatawid sa tulay.

For the longest time, kahit pa nga inaakala mo na hindi lilipat ng bahay ang isang tao, puwede pa ring bigla niyang magustuhan ang condo living.

Hoping for the best, looking forward for the better, dahil ngayon parang sanib-puwersa na ang GMA 7 at ABS-CBN.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with