^

PSN Showbiz

Rock icon na si Mike Hanopol na-COVID-19,kailangan ng tulong

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Rock icon na si Mike Hanopol na-COVID-19,kailangan ng tulong
Mike Hanopol
STAR/ File

May video sa Facebook ni Pinoy rock icon Mike Hanopol na nasa ospital, kumakaway at nagpapasalamat at ang pinasasalamatan nito ay ang mga nagdasal  at nagpaabot ng mensahe sa kanyang paggaling. Ang kaibigan ni Mike na si Edgar H. Siscar ang nag-upload ng video.

Dinala sa hospital si Mike dahil sa COVID at ang mga kaibigan at fans nito ay humihingi ng financial support para matulungan si Mike at ang pamilya nito sa medical expenses habang nasa ospital at habang nagpapagaling.

DongYan, maraming nakumbinsing senior

Ang asawang si Dingdong Dantes ang tinanong ng press sa three-week social hiatus ni Marian Rivera, kaya nang mag-guest ang DongYan sa Unang Hirit, nagsalita si Marian sa kanyang hiatus.

Sabi ni Marian, kinailangan niyang huminga at mag-unplug for a while habang may pandemic pa. Si Dingdong daw ang nag-suggest na baka kailangan nilang makahinga nang konti. “So ayun, nagkaroon kami ng konting bakasyon, nagpahinga muna sa social media para namnamin namin ang bawat segundong kasama namin ang isa’t isa at kasama namin ang mga anak namin.”

With the three-week break, nabigyan daw niya ng atensyon ang mental health ng mga anak na sina Zia at Ziggy para matulungan ang mga bagets na intindihin ang mga nangyayari. Lalo at nakuwento ni Dingdong na tinanong siya ni Zia kung bakit may COVID at kung kailan ito mawawala.

“Alam namin gustung-gusto nila makalabas, lalung-lalo na si Zia. Siyempre, nag-school siya before parang ang dami pa rin niyang questions, ‘kelan aalis ang COVID? ‘Kelan daw siya makaka-ganito, ganyan. At least, kahit sa maikling panahon naigala at naipasyal namin sila,” patuloy ni Marian.

Samantala, ikatutuwa ni Marian na maraming seniors siyang nakumbinsi na magpabakuna nang makita ang mga litrato nila ni Dingdong na nagpabakuna.

Hindi lang ang pagpapabakuna ang nakumbinsi ni Marian pati ang pagpapabakuna ng Sinovac na ginamit kina Marian at Dingdong.

Ara at Dave, hinahanapan ng wedding photos

Walang lumabas na wedding photos sa June 12 wedding nina Ara Mina at Dave Almarinez sa Baguio City. May mga nagtanong tuloy kung natuloy ang kasalan ng dalawa na for sure naman natuloy.

Sa Instagram ni Ara, ibinalita lang na balik siya sa lock-in taping ng Ang Probinsyano at dinalaw siya ng anak na si Mandy.

Sa IG naman ni Dave, larawan lang nila ni Ara na nasa yate ang naka-post at may caption na “I can’t change the direction of the wind, but it is our journey that matters in the end. #DESTINY #TeamDARVE #YOUANDMEBABY,”  na pinusuan ni Ara.

Tanong ng netizens, kailan ipo-post nina Ara at Dave ang wedding photos nila dahil gusto na nilang makita.

vuukle comment

MIKE HANOPOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with