Daboy at Ricky, may ‘komunikasyon’ pa rin sa mga kaibigan

Lorna Tolentino

Siguro nakakabawas din sa sadness mo ‘yung parang may communication ka pa rin sa mga nawala mong kaibigan. Noong una, nalolokah ako kay Lorna Tolentino na ang ginagamit niyang telepono ay ‘yung kay Rudy Fernandez.

Noong kamamatay pa lang ni Rudy, tumunog ang cellphone ko at nag-register ang pangalang Daboy, kinabahan ako. Iyon pala, gamit na ni Lorna ang phone ni Daboy, at hanggang ngayon ito ang gamit niya.

Nung minsan ay tumunog ang cellphone ko at hiningi ko kay Mel na napasigaw nang makita ang Ricky Lo sa phone. Iyon pala, ito na ang gamit ng favorite pamangkin ni Ricky na si Kimberly Lee. Now, textmates na kami ni Kim na tulad ko ay isang Koreanovela fanatic kaya swak kami.

Parang nakakagaan ng loob na heto, ‘yung mga tao na nami-miss mo parang nandiyan pa rin dahil sila ang nasa telepono mo. Ewan ko ba ‘yung telephone number nina Douglas Quijano at Bibsy Carballo, nasa phone ko pa rin at hindi inaalis. Para bang line to heaven ko, kung sakaling parang tawagan ko lang sila, ‘pag may problema ako, darating na sila. Hindi naman sila nakakabigat sa phone ko kaya bakit ko aalisin, saka hindi naman ako mahilig mag-save ng maraming numbers, kaya hayaan ko lang sila diyan, malay n’yo, sila ang magsabi sa akin ng number na mananalo sa lotto, o ‘di ba bongga!!

Cong. Ronnie, consistent ang ugali

Tuwang-tuwa naman ako nang mabasa ko na isa sa pinili na Men Who Matter ng People Asia mag si Cong. Ronnie Ong. Ever since kasi hindi pa siya congressman, napakabait na ni Papa Ronnie. Ang pinaka-number 1 fan niya ay si Ricky Lo na laging nagsasabi na hangang-hanga siya sa PR nito at sa pagi­ging trustworthy.

Imagine mo na kahit minsan mula nang makilala namin siya, never siyang humingi ng favor sa amin, basta kaibigan lang siya, nandiyan lang siya. Unang-­unang tumatawag para bumati, ‘pag may narinig na problema, tumatawag agad para mag-alok ng tulong. Napakabait na tao na hindi nga namin alam na kasali pala sa party list kaya nanalong congressman.

Mula noon hanggang ngayon, hindi nagbago si Papa Ronnie, ganun pa rin siya kasimple at ka-approachable. Kaya naman tuwang-tuwa ako na nakikita na ngayon ang maganda niyang mga ginagawa at mga pagtulong niya.

Talagang isa siya sa Men Who Matter, he really matters. Isa siya sa mga tao na igagalang at irerespeto mo dahil mabuti ang puso niya, at laging fair sa mga ginagawa niya.

 

 

Show comments