_ngayon
^
Angel, nami-miss maging taga-linis
Angel

Angel, nami-miss maging taga-linis

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Magdadalawang taon nang engaged sina Angel Locsin at Neil Arce. Dapat ay noong isang taon pa magpapakasal ang magkasintahan pero naudlot ito dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Inaasahang magaganap ang pag-iisang-dibdib nina Angel at Neil bago magtapos ang taon. Ngayon pa lamang ay napag-uusapan na ng magkasintahan ang ipagagawang bahay para sa magiging pamilya. “Nai-stress ako ngayon pa lang. Nakakapag-compromise naman kami. Si Neil naman kasi parang kung ano ‘yung mga gusto niya, gusto ko rin,” nakangiting pahayag ni Angel.

Gusto umano ng aktres na magkaroon ng broom closet sa bagong bahay pero hindi raw ito naiintindihan ng nobyo.

Ayon kay Angel ay talagang mahilig siyang maglinis ng kabahayan at maging sa eskuwelahan noong pang kanyang kabataan. “No’ng elementary ako, nami-miss ko ‘yung ibang activities kasi nagbo-volunteer ako maging cleaner,” natatawang kuwento ng aktres.

Jayda, pressured sa guesting ni Jessa

Sa June 26 na gaganapin ang Jayda in Concert ni Jayda Avanzado na mapapanood sa pamamagitan ng KTX.ph, iWantTFC at TFC IPTV. Malaki ang pasasalamat ng singer dahil pinagkatiwalaan siya ng pamunuan ng ABS-CBN upang magkaroon ng solo concert. “Isang malaking karangalan na mabigyan ako ng ganitong oportunidad ng ABS-CBN and even amidst all this adversity and problems, they provide quality entertainment and artist development. I can’t be more thankful to just be part of it. I owe it to not just my fans or mga nanonood sa akin but to ABS-CBN to really give it my all and do my best and put on a good show,” pahayag ni Jayda.

Kaabang-abang ang lahat ng mangyayari sa naturang digital concert lalo pa’t sobra raw tinututukan ng dalaga ang produksyon nito. “They can expect to see a different side of Jayda and see me hopefully in my full element. To show them what I can do and some of the things I haven’t been able to do before which I will be able to showcase in this concert. I’ve always been super involved in all aspects of my work. I think this has been a collaborative process in terms of the visuals and the kind of shots and treatment that we want for this show. I’m very involved and at the same time I really trust direk Frank’s (Frank Lloyd Mamaril) expertise in this field and bring out vision to life,” paglalahad ng singer.

Nakararamdam na umano ng pressure si Jayda dahil magiging special guest sa mangyayaring concert ang inang si Jessa Zaragoza. “There’s a lot of mixture of emotions. There’s a bit of pressure but at the same time this is the moment I’ve been waiting for my life and especially this concert. It just means so much to me. This has been a dream of mine since I was young, to headline my own show. I just feel really privileged to be able to do what I love in the midst of all this,” pagtatapos ng nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. (Reports from JCC)

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with