_ngayon
^
Michael V. hindi totoong lalayas sa GMA
Michael V.
STAR/ File

Michael V. hindi totoong lalayas sa GMA

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Itinanggi ng insider ng GMA 7 na lalayas na sa kanila si Michael V.

Ayon sa isang insider ng network, paano mangyayari ‘yun eh may kontrata si Bitoy sa kanila.

Ang besides, punong-abala raw ito sa prequel ng Pepito Manaloto at sa Bubble Gang.

Hindi nila alam kung saan nanggagaling ang chikang magbababu ito sa kanilang network.

So loud and clear, hindi niya iiwan ang mga Kapuso.

Balik-tambalan nina Alden-Jasmine, nang-iintriga

Naintriga ang netizens sa pasilip ng upcoming GMA series na The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Nitong June 9 ay inilabas na ang unang teaser ng naturang serye kung saan makikitang naudlot ang kissing scene ng mga karakter nina Alden at Jasmine na sina Louie at Lia.

Maririnig din sa teaser ang boses ni Lia na nagsasabing, “Abot kamay na kita, ganito na tayo kalapit sa isa’t isa. Pero ba’t ganun? Ba’t parang napakalaki ng hadlang sa pagtatagpo ng ating mga puso?”

Maliban sa muling team-up nina Alden at Jasmine, inaabangan din ang kakaiba at challenging role na gagampanan ni Tom Rodriguez sa serye.

Matatandaan na una nang ibinahagi ng aktor ang kanyang new look para sa serye kung saan mapapansin na tila may pagka-bad boy ang kanyang dating.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with