_ngayon
^

Kalayaan ipagdiriwang sa ASAP natin ‘to

(Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Live na live ipagdiriwang ang kalayaan sa isang all-star party kasama ang Kapamilya idols ngayong Linggo (Hunyo 13) sa ASAP Natin ‘To sa ­Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Taas-noong ipagmalaki ang Pinoy pride sa isang Born To Win performance mula sa all-girl P-Pop group na BINI, kasama sina Maymay Entrata at ASAP dance royalty Kim Chiu. Maki-sayaw rin kasama ang mga paborito ninyong dance idol na sina AC Bonifacio, Maris Racal, Enchong Dee, Christian Bables, Joao Constancia, Jameson Blake, at Kyle Echarri.

Damhin naman ang pag-ibig sa kilig treats ng Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Rhys Miguel kasama si Kaori Oinuma, Joao Constancia at Criza Taa, at Edward Barber kasama si Maymay Entrata.

Abangan din ang welcome treat at birthday blowout ni Jayda. At mamangha rin sa transformation ng  Your Face Sounds Familiar  contenders na sina Vivoree Esclito, vocal trio iDolls, at Season 3 champion na si Klarisse de Guzman, kasama sina Nyoy Volante at Jed Madela.

Palaban naman ang kantahan sa ASAP stage, tulad ng collab ng This Band at Asia’s Pop Heartthrob Darren; pagsasanib-pwersa ng ASAP new gen divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin; at ang musical tapatan nina Angeline Quinto, Nina, Elaine Duran, Gigi de Llana, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

May engrandeng birthday celebration din ang nag-iisang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, kasama ang mga finest OPM artist na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, at Gary Valenciano sa The ­Greatest Showdown.

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with