^

PSN Showbiz

Tanggap ang kapalaran sa Miss U Rabiya at iba pang beauty queen, solid sa isang adbokasiya

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tanggap ang kapalaran sa Miss U Rabiya at iba pang beauty queen, solid sa isang adbokasiya
Rabiya
STAR/ File

Ramdam ang malasakit ni Miss Universe Philippines (MUP) 2020 Rabiya Mateo, para sa medical workers. Ang pagtulong sa kanila ngayong panahon ng pandemya ang isa sa kanyang isinusulong na adbokasiya bilang licensed physical therapist, at nagtuturo rin sa medical review center.

Nang ipinatupad ang enhanced community quarantine o ECQ noong nakaraang taon, kaagad na tinawagan ni Rabiya ang kanyang kaibigan na nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa Maynila para kamustahin ang kalagayan nito. Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Rabiya ang pagpugay sa mga frontliners na kanyang tinawag na “silent heroes.”

Malapit sa puso ni Rabiya ang mga medical frontliners kaya naman hindi na kataka-taka na ginawa niyang adbokasiya ang pagproteksyon sa sarili para maprotektahan sila.

Bago siya lumipad pa-Hollywood, nagsama-sama muna si Rabiya at iba pang kasalukuyang reyna ng MUP na sina first runner-up Bella Ysmael, third runner-up Pauline Amelinckx, at fourth runner-up Billie Hakenson para itaguyod ang good hygiene bilang frontline defense laban sa COVID-19.

Sa patuloy pa rin na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, ang good hygiene at tamang pag-sanitize ng mga kamay ay napakahalaga para malabanan at masugpo ang pandemya, kasabay ang pagsusuot ng face mask at face shield, at siyempre physical distancing.

Sina Rabiya, kasama ang dating Miss Universe third runner-up at ngayon ay MUP National director Shamcey Supsup-Lee, ay naglabas ng isang video na kung saan ibinahagi nila ang kahalagahan ng paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagpapanatiling malinis ang mga kamay at iba pang mga bagay na madalas na hinahawakan bilang isa sa pinakamabisang paraan para maprotektahan ang sarili at iyong kapwa laban sa COVID-19. “We all play a critical role in the fight against COVID-19. Good hand hygiene behavior is one of the most effective actions we can take to reduce the spread of viruses and infections. San Miguel Ethyl Alcohol takes the crown for my daily protection needs and I use it as part of my all-day frontline defense,” ani Rabiya, na sumabak kamakailan sa Miss Universe pageant sa Florida, USA.

Ang San Miguel Ethyl Alcohol ay natural at gawa sa sugarcane kaya ito ay ligtas na gamitin sa kamay at sa mga kagamitan sa bahay. Ang disinfecting formula nito ay pumapatay ng 99.99% germs at nagsisilbing proteksyon laban sa mga bacteria at viruses, habang ang moisturizing ingredients nito ay banayad at mabango sa balat.

Ang good hygiene ay ginawang abot-kaya ng San Miguel Ethyl Alcohol na mabibili sa 250 ml, 500 ml, at 1-liter bottles nationwide.

Ang San Miguel Ethyl Alcohol din ang ipinamigay ng libre ng San Miguel Corporation (SMC) sa pamamagitan ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) para sa mga frontliners nang nagkaroon ng kakulangan ng rubbing alcohol sa pagsisimula ng pandemya noong nakaraang taon.

Samantala, maluwag na tinanggap ni Rabiya ang kapalaran niya sa Miss Universe kung saan hanggang Final 21 lang ang inabot niya. Ang latest post niya “Lotlot and friends. Never a dull moment with these people. #teamphilippines,” ang caption niya sa groufie with 1.5 million followers now.

Sinasabi rin nitong magpapahinga siya sandali sa social media saka sasabak sa showbiz. “Maybe I’m gonna take a short break from social media. And after that, I’m planning to go into show business, acting probably,”  sabi nito sa interview ni MJ Felipe.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with