^

PSN Showbiz

Lorna, virgin pa sa bakuna!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna, virgin pa sa bakuna!
Lorna
STAR/ File

Nasa ending mode na nga raw ang Ang Probinsyano sabi ni Angel Aquino nang makapanayam ito sa programa ni G3 San Diego. Hindi raw nila alam kung last lock-in na ba talaga itong nakatakda nilang taping sa susunod buwan.

Sa pagkakaalam ko hanggang July ang taping na iyon at baka nga ending na. “But we still don’t know that. We don’t know if they’ll change their mind,” pakli ni Angel.

Iyon din ang sagot sa amin ni Lorna Tolentino nang kumustahin namin ang karakter niya bilang si Lily sa naturang teleserye.

Hindi raw niya alam kung hanggang ending ba siya at kung ito na nga ba ang huling lock-in taping nila. Hindi niya ako sinagot sa tanong naming hanggang September na lang ang airing nitong teleserye ni Coco Martin.

Pero pinaghahandaan na niya ang pagpasok niya sa susunod na cycle ng taping nila. Kaya naka-self-quarantine daw siya ngayon, bilang paghahanda sa RT PCR test nila bago pumasok sa taping.

Ang gusto pa sana ni Lorna na gawin bago siya isalang sa taping ay magpa-vaccine. Hindi ko lang alam kung natuloy na ang pagpapa-schedule niya, pero may konting takot daw siya sa pagpapabakuna dahil never pa pala niya na-experience ang mabakunahan. “Zero vaccine ako since birth,” text niya sa akin. “Hindi kasi ako pinabakunahan ng nanay ko pati ang brother ko, dahil na-trauma sa eldest sister ko na nagka-Polio after ma-vaccine sa Anti-Polio. Kaya, hindi na ako nagpa-vaccine kahit flu shot at iba pa,” dagdag pa niyang text.

Pero sa panahon ngayon, kailangan daw  niya talagang magpa-vaccine bilang tulong na rin sa pagbaba ng kaso ng COVID-19. “Nagkaka-anxiety ako ‘pag biglang merong nag-positive. Saka kailangan talaga ang COVID vaccine para makatulong din sa pagkawala ng COVID,” sabi niya sa text message sa akin.

Sa ngayon ay OA lang daw talaga ang mga tini-take niyang vitamins o supplements. Kailangan daw talagang pataasin ang immune system, at awa ng Diyos ay hindi naman daw siya nagkakasakit.

Sa mga nakaraan naming pag-uusap ni Lorna, tila okay na okay na siya sa ginawa niya sa Ang Probinsyano. Naloloka lang daw siya sa karakter na ginagampanan niya dahil ang dami na nga talagang naiirita sa karakter niya. “Kahit ako naman irita na rin ako kay Lily,” pakli niya.

Kaya kung sakaling may gagawin daw siya uling drama series, sana mabait na role naman daw ang gagampanan niya.

Sanya, patok ang paglaban kahit naaapi

Patuloy naman sa pamamayagpag ang First Yaya ni Sanya Lopez, at sa Twitter nga namin may fans na nagmi-message na kinikilig na raw sila kina Yaya Melody (Sanya) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).  SHOWBIZ GANERN... MULA SA PAHINA 6-7

Kaya raw nila nagustuhan ito, dahil ang light lang ng kuwento, at wala ‘yung mga de kahong kuwento ng teleserye na may nagka-amnesia, nagkapalitan ng anak, inaaping bida at kung anu-anong predictable na kuwento.

Kaya hindi bumababa sa 20 percent ang rating ng First Yaya.

Curious naman ang ibang fans kung ano namang karakter ang mapapanood nila kay Sanya sa Agimat ng Agila.

Akala nga nila ay mapapanood na ito sa Agimat ng Agila noong nakaraang Sabado, pero may teaser pa lang na ito sa darating na Sabado.

Ibang-iba naman siya rito na may romantic angle din kay Gabriel Labrador na gina­gampanan naman ni Sen. Bong Revilla. Consistent ding mataas ang rating ng Agimat ng Agila na naka-16.3 percent noong nakaraang Sabado.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with