_ngayon
^
Host ng Miss U na si Olivia Culpo, walang energy ang peg!
Olivia

Host ng Miss U na si Olivia Culpo, walang energy ang peg!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Bukod sa nag-trending ang #MissUniverse, trending din si ­#Olivia dahil sa walang kalatuy-latoy na hosting ni Olivia Culpo.

Para siyang bored, inaantok na nakadagdag pa sa buong competition na wala ring kabuhay-buhay.

Hindi kaya inaantok na lang talaga siya at baka maaga siya natutulog? Ang ilang ipinu-post sa Twitter ay nasa audience lang naman daw si Janine Tugonon, baka puwedeng palitan na raw ito ni Janine.

Mukhang hindi naman daw kaya ng Miss Universe 2012, nandiyan lang ang first-runner up na si Janine na tingin nila mas keri niyang mag-host. Sabi nga nila; “If for any reason that the Miss Universe cannot fulfill her duties, the 1st runner-up shall take over. “So Janine take over!

Kung anu-anong komento ng mga bading sa matinding panlalait kay Olivia. May lumabas pa ngang tweet ni MJ Lastimosa na, “Kaya mo pa siguro Miss Olivia, andito si JT kung indi na J L”

Magkakasunod din ang tweets ni Vice Ganda na gustong pataasin pa ang energy ni Olivia. Sabi niya; “Commercial break. Upo muna Ate Olivia. Hingang malalim. Iim tubig then shake shake shake!!!”

Pero suma tutal, maayos namang nairaos ang Miss Universe 2020 na  ipinaliwanag nilang sobra silang maingat sa pagsunod sa safety protocols para matiyak na safe ang 74 candidates.

Kahit luhaan ang kabadingan dahil sa hanggang top 21 lang si Rabiya Mateo, medyo gumaan naman ang pakiramdam nila dahil ang mga dating malalakas na bansa kagaya ng Venezuela, South Africa at Colombia ay ligwak din.

Hindi nga para sa kanya ang gabing iyun.

Marami ring natutunan diyan ang bagong organizer ngayon ng Miss Universe-Philippines. Baka nga puwede silang humingi ng suggestions pa kay Madam Stella Marquez-Araneta ng Binibing Pilipinas.

Sana huwag namang laitin nang husto si Rabiya at huwag paglaruan ng bashers, dahil sa totoo lang, bagito pa si Rabiya sa ganitong competition. Bale pangatlong competition pa lang niya ito; ang pagkapanalo niya sa Iloilo, sa Miss Universe-Philippines at itong sa Miss Universe na.

Aj Raval, hindi nag-inarte kay Direk Yam

Sa tingin ni direk Yam Laranas, ang nagdirek ng digital film na Death of a Girlfrend napanood na raw ni Jeric Raval ang pelikula ng anak niyang si AJ Raval.

Wala naman daw dapat ireklamo si Jeric sa pelikulang iyun dahil naalagaan naman daw si AJ at hindi naman siya nabastos doon.      

Kuwento nga ni direk Yam nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Biyernes, walang pilitan nang gawin nila ang mga daring scenes sa pelikulang iyun.

Tinanong pa raw siya ni AJ na kung sakaling hindi raw niya gawin ang ilang daring scenes ay papalitan daw ba siya. “Sabi ko sa kanya, ganito kasimple, ano sa tingin niya kung ano ang gagawin ng karakter na yan? ‘O sige, gawin ko lahat.’

“Of course bilang direktor, tuwang-tuwa naman ako na wala siyang restrictions. Pero of course with respect no na babantayan namin at alagaan namin, bilang bata at babae at bago sa industriya natin,” pahayag ni direk Yam.

Puring-puri rin niya si Diego Loyzaga na napaka-protective raw nito kay AJ. Pagkatapos daw ng take ay si Diego raw agad na nagtatakip sa sexy star.

Ang nakakatawa pa raw, nung sinimulan nila ang shooting nito, hindi pala alam ni direk Yam Laranas na si Jeric Raval pala ang tatay ni AJ.

Napapanood pa rin sa Vivamax, KTX.Ph at iba pang digital platforms itong Death of a Girlfriend.     

Susunod daw na gagawin ni direk Yam ay isa pang sexy movie ring pagbibidahan naman ni Rhen Escano.

      

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with