_ngayon
^
Rated Korina, season break muna
Korina, Pepe at Pilar
STAR/ File

Rated Korina, season break muna

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Season break ang programa ni Korina Sanchez sa TV5 na Rated Korina na napapanood every Saturday.

Babalik daw naman ang prog­rama sa ere pero ni-negotiate pa raw uli sa TV5 dahil kinuha na uli ang timeslot nito ng TV5.

Pero ang gusto raw ng Brightlight Productions, producer ng Rated Korina, mas magandang timeslot na sila.

Naging habit sa televiewers ang panonood noon ng Rated K sa ABS-CBN every Sunday na halos katapat ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kaya pala full-time mom si ate Koring sa kanyang kambal na Pepe and Pilar lately.

Aktres, magpapa-mental spa!

Very delicate pala ang issue ng biyahe ng isang aktres sa abroad.

Diumano, sa mental spa ito didiretso.

Medyo matindi diumano ang depression ni actress sa kasalukuyan kaya kailangan niyang mag-pa mental spa.

Nakaka-sad naman kung ganun.

Pero I’m sure kaya ‘yan ng actress.

Talagang kakaiba ang epekto ng pandemic sa lahat at hindi rito ligtas ang mga sikat at mapeperang tulad nila.

KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with