_ngayon
^
Sue, pasisikatin!
Sue
STAR/ File

Sue, pasisikatin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

Parang rising star na si Sue Ramirez ha.

Meron siyang bagong serye, ang The Broken Marriage Vow na local adaptation ng The World of Married, at kasama siya sa campaign ng telco na may mga Thai super actor.

Mukhang iinit na ang kanyang career, at bibigyan na siya ng pansin ng Star Magic.

Maganda naman at mahusay umarte, kaya puwede namang i-build up nang husto, saka mukha namang very professional kaya dapat lang mabigyan-pansin.

Sana nga ay ma-maintain ang speed ng build up sa kanya, ma­ging tuluy-tuloy at hindi ma-halt in the middle.

Iyon kasi kadalasan ang downfall sa build up, ‘yung biglang mainit ang steam, tapos nagsi-simmer down. Dapat tuluy-tuloy, para totally nasa recall ka na ng tao, ‘yung may place ka na agad sa memory nila.

Iyon ang dapat huwag pabayaan ni Sue, ‘yung huwag bumaba ang init niya ngayon, dapat tuluy-tuloy.

Sana nga, a new star is born, dahil mukhang hindi na masyado ang excitement sa mga dati, parang nagkaroon din ng pandemic. Iyon bang sa vlog na lang sila abala, wala nang project, kaya naman ayun, sa mga vlog na lang sila pinapanood.

Wait hanggang magsawa rin ang tao diyan sa vlogging. Magkakaroon na naman ng bago.

Naku technology, diyan nagkatalo sa lahat.

Local endorsers, sapaw na sapaw na!

O hayan ha, lahat ng endorser natin ngayon, imported. Meron nang BTS, meron pang Thai actors. Para bang second rate na lang ang mga celebrity natin.

Paano iyan, Salve, ‘pag hindi na mahigpit ang travel, darating na dito sina Hyun Bin, Ji Chang-wook, BTS at baka pagdating ni Mario Maurer salubungin pa siya ni Kakai Bautista.

Kalokah dahil para bang hindi na effective ang mga local endorser natin, ka-sad naman.

Ok lang kasi nagkaroon ng international flavor, pero iyon bang psychological effect na para bang ano iyon, parang validation na tanggap mo na na mas malakas ang hatak ng mga Korean at ngayon meron pang Thai actors.

Sad naman, especially now na parang dying ang showbiz dahil nga standstill dala ng takot sa virus.

Hay naku, baka naman sensitive lang ako dahil na nga sa nakikita kong takbo ng local showbiz natin, pero sana naman, kahit pa mas sikat sila, mas kilala naman natin ang local stars. Baka nga kailangan natin ang tulong ng kasikatan nila para mapansin sa international market, pero sa totoo lang, kayang-kaya naman iyan ng stars natin.

SHOWBIZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with