_ngayon
^
Gretchen, bumukod na sa pamilya
Gretchen
STAR/ File

Gretchen, bumukod na sa pamilya

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

Kina­ilangang umalis ni Gretchen Ho sa kanilang bahay upang mapanatiling ligtas ang pamilya sa banta ng COVID-19 pandemic.

Araw-araw kasing lumalabas ang TV host para magtrabaho kaya nagpasyang bumukod na lamang. “I moved out because I work every day in the studio. I don’t want to risk it. I don’t want to bring the virus home to my family and we don’t know what will happen to this pandemic. So I told my parents I have to move out and the mind set na ‘Wala, kailangan talaga natin mag-solo living, mag-adulting, mag-condo living, and embracing this new chapter of my life,” nakangiting kuwento ni Gretchen sa kanyang YouTube channel.

Taong 2016 pa nang mabili ng dalaga ang condominium unit na tinutuluyan ngayon pero noong isang taon lamang ito na-turn over ng developer sa kanya.

Bago pa ipatupad ang community quarantine noong isang taon ay nakapamili na rin ng mga kagamitan si Gretchen para sa bagong condo. Naintindihan naman umano ng mga magulang ni Gretchen ang ginawang pag-alis sa kanilang bahay. “Hindi kasi masyadong uso sa amin sa kultura naming Filipino-Chinese to move out before kasal. So it’s really a big move for me to do this,” paglalahad ng TV host.

Vice, hindi muna gagawang pelikula

Matagal-tagal nang hindi nakagagawa ng pelikula si Vice Ganda dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Nag-iingat lamang umano ang komedyante sa bantang dulot ng COVID-19 pandemic kaya nagpasyang huwag munang gumawa ng mga pelikula. “Kung maayos lang ang sitwasyon nakagawa na dapat tayo. Gigil na gigil na rin kami nina Boss Vic (del Rosario ng Viva) na gumawa ng pelikula. Kahit na ang Star Cinema, gigil na gigil na kami. May mga naplano na kami. Nakailang creative mee­tings na kami. Ang dami nang nabuo pero dahil sa ganitong sitwasyon paano kami makakapagsyuting. Ayoko naman ng syuting na lock-in na one week tapos na ‘yung pelikula. Nakakapitu-pito, sabi ko, ‘No, ayoko ng mga ganyan!’ kahit sila din naman, hindi naman papayag ang Star at Viva na gano’ng klaseng project lang. Kailangan unkabogable, hindi puwedeng puchu-puchu,” paliwanag ni Vice.

Ayon sa Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar ay talagang hindi siya masyadong nakalalabas sa ngayon dahil sa takot na mahawahan ng nakamamatay na sakit. So we make a compromise na, ‘Sige, pasok tayo pero ganito dapat kahigpit, ganyan-ganyan.’ Everyday may swab kami kami sa Showtime dahil sa sobrang takot namin,” pagbabahagi ng komedyante (Reports from JCC)

GRETCHEN HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with