_ngayon
^
Cherie umatras na sa serye ni Dennis Trillo, dismayado sa mga katrabaho?!
Cherie
STAR/ File

Cherie umatras na sa serye ni Dennis Trillo, dismayado sa mga katrabaho?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Wala pang inilalabas na statement ang GMA 7 kaugnay sa pagpapaalam ni Cherie Gil sa Legal Wives.

Nakatakda nang mag-lock-in taping ang first batch ng naturang drama series, at isang buwan silang nasa location.

Pero noong nakaraang Sabado ay may mahabang post si Cherie sa kanyang Facebook account. Doon niya inihayag na magpapaalam na siya sa Legal Wives na matagal daw niyang pinag-isipan.

Bahagi ng mahaba niyang pahayag sa kanyang FB account; “I found myself in such a situation. And believe me, it wasn’t impulsive as I tend to be in the past. It took a long excruciating process to look at the whole situation through the lenses of critical thought, analysis, neuroses, counsel, reflection, meditation and most of all prayer.

“Finally, the signs were everywhere and it couldn’t be any clearer.To my deep sadness, I finally had to leave a soap half way through. And to be honest, for a committed actor such as myself, I would have wanted to see my character within the story till its end.

“It is during these most uncertain times that propelled me in fact to revisit and question my WHY in all that I  do from here on.”

Hindi nilinaw kung ano ang dahilan at umabot siya sa ganung desisyon, pero may mga ilang tsismis kaming nasagap na baka nga iyon ang ibig niyang sabihin sa kanyang statement. Meron kasi kaming nasagap na dismayado siya sa ibang co-actors niya. Totoo kaya ‘yung may ilang eksenang inaabot ng ilang takes na ikinairita niya?

Wala kaming ideya kung sino ang kaeksena niya. O maaaring nahirapan siya sa bagong set-up na naka-lock in at maraming araw ang gagamitin para sa quarantine at RT-PCR test.

Wala naman tayong magagawa, dahil kailangan talaga ng doble-dobleng ingat. Iyon kaya ang ibig niyang sabihin sa iba pa niyang sinasabing; “Was It all  really worth it, I ask myself. The time, the energy, the heart, the tears, the sleepless nights and long hours, the devotion, the dedication, the respect and reverence invested to the work? It is disheartening and blatantly frustrating when it isn’t seen and met in the same light and given equal energy. I have always believed that any form of creativity blossoms from collaboration and a unified goal. The whole process of this work is SACRED to me. Without this process, there is no joy to be found, no minds to learn from and no point!”

Mahalaga ang role na ginagampanan ni Cherie sa Legal Wives na kung saan siya ang nanay dito ni Dennis Trillo na si Ismael Macadato ang karakter.

Andrea may gustong tularan ‘pag nag-asawa

Ikinatuwa naman ni Andrea Torres ang pagka-move ng isang linggo ng lock-in taping ng Legal Wives dahil nagkaroon pa siya ng panahong makasama ang pamilya sa kanyang kaarawan noong nakaraang linggo at iba pang  selebrasyon. “Nakakatuwa po na nakakasama ko family ko sa special occasions bago ako makaalis, like my sister’s birthday, Mother’s day, at 40th wedding anniversary ng parents ko,” text sa akin ni Andrea.

Bukas na ang 40th wedding anniversary ng mommy at daddy niya, at espesyal daw ito sa kanilang lahat dahil nakakatuwa raw na sa loob ng 40 years nilang pagsasama, lalong naging sweet daw sa isa’t-isa ang mommy at daddy niya at lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama.

“May mga hirit pa sila na ‘kala mo nagliligawan pa rin hehe,” dagdag niyang text sa akin.

Iyon ang isa sa mga magagandang values na nakikita ni Andrea sa kanyang mga magulang, at siyempre iyon din ang gusto niyang sundan kung sakaling magkakaroon na siya ng asawa.

“In my 31 years, have never heard my pa­rents scream at each other, ni kurot din po hindi nagawa ng daddy ko sa mommy ko. Ideal po talaga ang atmosphere na nabigay nila sa amin. “Our house really feels like a home,” pagmamalaki ni Andrea sa kanyang magulang. Simple lang naman daw ang selebrasyon nila sa bahay kasama ang buong pamilya.

Naghahanda na rin si Andrea sa pagpasok sa lock-in taping ng Legal Wives.

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with