_ngayon
^

Alice, hanggang isang anak lang!

Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Nalusutan ni Alice Dixson ang mga naghihintay sa kanyang updates tungkol sa anak. Wala siyang nakausap, naglabas lamang ng video nila ng kanyang anak saka pumasok sa mandatory quarantine nang dumating sa bansa.

Lumabas ang mas maraming detalye nang si Alice ay maging guest sa Eat Bulaga noong Sabado, at doon ay natanong nga siya tungkol sa buhay-buhay.
Noon lang lumabas na ang kanyang anak pala ay isang baby girl, at ang pangalan noon ay Aura.

Hindi naman ikinakaila ni Alice na siya ay 51 na at hirap na talagang ma­nganak, delikado na, pero si baby Aura ay tunay niyang anak. Hindi kagaya ng plano ng ilang mag-asawang lesbian na in vitro fertilization, dahil doon kailangan ng sperm donor na ihahalo sa embryo ng isa sa kanila at gagawin iyon sa isang laboratory at tapos ilalagay sa sinapupunan ng babae.

Iyong kaso ni Alice, sa kanya ang embryo, sa kanyang asawa ang sperm at itinanim lang ang semilya nila sa isang surrogate mother.

Sinasabi ni Alice na gusto niyang hubugin ang kanyang anak sa tamang values. Gusto niyang ang kanyang anak, na posibleng wala nang magiging kasunod, ay maging isang “strong woman” kagaya ng ermat niya na minana rin niya. Alam namin, magiging mabuting ina naman si Alice.

Kapatid ng actor na nagma-manager na rin, nilayasan ng kapatid!

Lahat ng klaseng alibi ay ginagawa na ng magsyotang stars na lumubog na ang popularidad simula nang magwala sila sa kanilang career. Marami silang pinalalabas na nakapasok na raw sila sa US market, pero maliban sa ilang social media posts, walang kumagat sa gimmick na iyon. Ang nakakatawa pa iyong kapatid ng male star na may showbiz ambition din naghanap na ng ibang manager, dahil alam niya wala ring mangyayari sa mga plano ng kanyang kapatid. Lost battle na iyon.
Aywan kung ano pa nga ba ang magagawa nila para muling mapaangat ang kanilang career.

US MARKET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with