_ngayon
^
Gen. Eleazar, mahusay ang PR
Gen. Eleazar
STAR/ File

Gen. Eleazar, mahusay ang PR

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Big congratulations kay Gen. Guillermo Eleazar na appointed bilang PNP Chief. Napakahusay ng PR ni Gen. Eleazar at talagang makikita mo ang sipag sa trabaho. Nagkaroon ako ng chance na makilala siya nang nagkaroon tayo ng problema sa isang travel agent Salve na binigyan tayo nila Rose Garcia at Vinia Vivar ng nightmare sa trip natin sa Korea.

Lumapit ako para magpatulong kay Gen. Eleazar at napakabait niya, very approachable at talagang madaling tumulong.

Pero walang nangyari at hindi na nabalik iyon pera natin dahil hindi na natin nabalitaan pa ang fake na travel agent. Pero at least nagkaroon ako ng chance to deal with Gen. Eleazar.

Talagang bagay naman in uniform si Gen. Eleazar dahil focused siya sa kanyang trabaho, at tingnan mo naman ang porma, talagang military man.

All these years na-maintain ang perfect physique. Isang malaking asset na dapat ipagmalaki ng PNP si Gen. Eleazar. Pati sa pagsasalita, maayos, walang sablay. Congrats Gen. Guillermo Eleazar.

DSWD, tutulong na kay Jopay

Happy naman ako Salve na talagang ang daming readers ng PM (Pang Masa) at PSN (Pilipino Star NGAYON) natin. Tuwang-tuwa si Jopay na ang dami raw taga-DSWD nag-sponsor sa nursing home at stars na tinatawagan niya dati dahil nga talent coordinator siya na nabasa ang sinulat ko papasok na siya sa nursing home kaya nag-message at nagpaabot ng kanilang words of support.

Sure ako na natuwa si Jopay at lumigaya at gumaan ang loob na marami pala ang nagmamahal sa kanya. Dahil nga nag-iisa lang siya at walang kasama sa bahay, mas mabuti para kay Jopay na nasa nursing home na at least may mga bago siyang ka-tropa na makakausap at makakasama.

Sabi ko nga sa kanya iyon din balak ko, ­nursing home pag medyo mahina na at kailangan na ang physical assistance, dahil at least 24/7 may kasama kang medical staff na alam ang gagawin pag may nangyayari.

Hay naku, ang buhay talaga natin dapat maayos ang scheduling para hindi magulo, at dapat practical para hindi nagiging dramatic ang desisyon.

Kung gusto mo ng tunay na alaga at may ­available naman, ok. Pero kung magiging pasanin ka at walang masyado oras para mag-alaga sa iyo mga kasama mo, nandiyan ang nursing home. It is your life, it will be your choice. Make the most out of it.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with