_ngayon
^
Ernie Lopez itutuloy ang pamana ng kapatid na si Gina kasama ang bagong misis
Ernie at Gina
STAR/ File

Ernie Lopez itutuloy ang pamana ng kapatid na si Gina kasama ang bagong misis

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

Nagbabalik ang G Diaries, ang multi-awarded advocacy show ng ABS-CBN Foundation para sa ika-8 nitong season, Change the World Together.

Ang mga bagong episodes ay mapapanood simula Mayo 16 (Linggo), 9:10 a.m. sa Kapamilya Channel.

Ang mga kuwento ng pag-asa at pagbabago ng mga tao at pamayanan sa buong Pilipinas ay ihahatid nina Ernie at Michelle Lopez.

Mula nang ito ay unang umere noong Disyember 8, 2017, ang G Diaries ay nakapaghatid na pala ng higit 100 advocacy-related episodes, na tumatalakay sa sustainable ecotourism, community development at pangangalaga sa kalikasan mula sa Tublay, Benguet sa norte, hanggang sa Bongao, Tawi-Tawi sa Mindanao.

Prinoduce ng dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang G Diaries bilang kanyang pamamaraan na pagsama-samahin ang sektor ng pamahalaan at kalakal, mga NGOs, mga eksperto, ang kabataan at iba’t ibang sektor ng lipunan sa adbokasiya sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino.

Ang nakababatang kapatid ni Gina na si Ernie ang pumalit sa pagho-host simula Agosto 2019, nang pumanaw ang una.

Kahit hindi na-renew ang franchise ng ABS-CBN, at naging hamon ang COVID-19 pandemic at quarantine lockdowns, nagpatuloy ang pag-ere ng G Diaries sa mga digital platforms ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation.

Sa kasagsagan ng lockdown, si Michelle Lopez (na Michelle Arville pa), at ang anak ni Ernie na si Nathan, ang tumulong sa pag-shoot ng mga episodes ng programa mula sa kanilang tahanan bilang mga camera operator.

Ngayong sila’y bagong kasal, nai-share ni Ernie na gusto nilang mag-asawa na gamitin ang kanilang pagsasama bilang blessing sa lahat. Natutuwa rin daw siya na magkasama nilang magagawa ito, sa pamamagitan ng G Diaries.

Last April 30 lang sila ikinasal sa isang simpleng seremonyas. Ayon sa story ng anc.com, naka-cream sweater and trainer pants and no veil lang ang bride.

Ang groom naman na si Mr. Ernie ay naka-white hoodie and jeans.

Hindi rin sa simbahan ang kasalan at walang mga bisita.

Naganap ang kasalan sa backyard garden ng bahay ni Gabby Lopez sa Hillsborough, California ayon pa sa report.

Ang namayapa ring si Madam Gina ang nagpakilala sa kanila habang may sakit ito at naka-confine sa isang hospital.

Section manager ng St. Luke’s Medical Center Patient Experience Group si Mrs. Lopez na ngayon nang ipakilala niya (Gina) sa kapatid.

Last year nang mag-propose si Mr. Ernie sa kanyang misis via Zoom.

Anyway, tulad ng nasimulan ng G Diaries, ang pinakabagong season ay magpapalabas ng mga makabuluhang kwento na may kinalaman sa kalikasan, mga karapatang pambata, children’s development, arts and culture, pagtulong sa kapwa, kalusugan, kabuhayan at edukasyon, sa pakikipagtulungan ng Lopez Group of Companies, kasama ang suporta ng Energy Development Corporation.

Centerstage, balik-telebisyon na!

Kasado na ang pagbabalik-telebisyon ng singing competition for kids ng GMA Network na Centerstage simula ngayong Linggo, Mayo 9.

Tatlong linggo ring pansamantalang hindi napanood ang programa bilang pag-iingat sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa pagbabalik ng Centerstage, inaasahang mas pinatinding biritan ang ipamamalas ng kiddie contestants, na sigurado namang ikatutuwa ng judges ng show na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena.

Muli na ring mapapanood ang nakakaaliw na tandem ng hosts na sina Asia’s Multimedia Star Alden Ri­chards at comedian Betong Sumaya.

Nananatiling defending champion ang young ukulele player mula sa Obando, Bulacan na si Oxy Dolorito.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with