_ngayon
^

Aktor nagiging kasinglaki ng poste ang pakiramdam sa sandata, ‘pag pinag-aawayan ng mga babae!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

May isang pamosong female personality na kung ilarawan ng mga kasamahan niyang artista ay “The girl who’s in-love with love.”

Grabe kasing magmahal ang babaeng personalidad, kinakabog pa niya ang mga beki kapag nagmamahal, wala siyang pakialam sa mundo at sa mga sasabihin ng iba sa istilo niya kung magmahal.

At meron din namang isang male personality na ibang-iba ang pinaghuhugutan ng kaligayahan. Gustung-gusto ng lala­king personalidad na ito na pinag-aagawan siya ng mga kababaihan.

Kuwento ng aming source, “Parang sinasadya niya ang pakikipagrelasyon nang sabay. ‘Yung hindi pa naman malinaw na hiwalay na sila ng una, e, meron na naman siyang ibang karelasyon.

“Tuwang-tuwa siya kapag may mga babaeng nagsasabong nang dahil sa kanya, feeling niya, e, napakalaki ng sandata niya kaya siya pinag-aagawan!” unang kuwento ng aming impormante.

Ilang beses nang ginagawa ‘yun ng impernes ay guwapo namang male personality, wala siyang pakialam kung magkaibigan man ang mga babaeng pinaglalabanan niya, ang mahalaga ay masayang-masaya siya.

Patuloy ng aming source, “Di ba, magkaibigan sina ____at ____(dalawang aktres na tinuhog ng male personality)? Wala siyang pakialam kung nagsaulian man ng kandila ng pagkakaibigan ang dalawang babae!

“Wala rin siyang pakialam kung nag-aaway-away ang magkabilang kampo nang dahil sa kanya, wala siyang keber, ang pinakamahalaga sa kanya, e, pinanonood lang niya ang dalawang babae na nag-aagawan sa kanya.

“Napakaligaya niya kapag ganu’n, buung-buo ang pagkalalaki niya! Pakiramdam ng male personality, e, kasinglaki ng poste ang sandata niya para pag-agawan siya!” natatawang komento pa ng aming impormante.

Nasa ganu’ng sitwasyon na naman ngayon ang male personality, may dalawang puwersa na namang naglalaban nang dahil sa kanya, ibayong kaligayahan na naman ang kanyang nararamdaman ngayon.

“Kunwari pa siya! Nakikiusap pa siya sa mga faney ng magkabilang kampo na huwag na silang nag-aaway. Pero saan ka, super-happy siya sa ganyan, ipinagmamalaki niya ‘yun sa mga katropa niya, very in-demand nga naman siya!

“One day, e, mabubulaga na lang ang lalaking ‘yun sa kagaganyan niya! Bigla siyang maiiwan nang mag-isa, mabubu­king ng mga girls ang trip na trip niyang nangyayari!

“Abangan na lang natin kung ano ang magiging kapalaran niya, siya ang mumultuhin ng nakaraan niya, siya ang mago-ghosting!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sen. Manny, naNggulat na naaalala ang mga pangako ni Pres. Duterte

Nakaaalarma ang lantarang pagbibigay ng pahayag ni Senador Manny Pacquiao tungkol sa pinaglalabanang isyu ng kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng West Philippine Sea.

Napakarami nang personalidad sa mundo ng pulitika na naglalabu-labo, may katwiran at opinyon ang bawat kampo, pero naging kapansin-pansin ang mga naging pahayag ng Pambansang Kamao.

Suwabe lang ang pagsasalita ni Pacman, pero tulad ng bangis ng kanyang mga kamao ay nagmarka ‘yun, makahulugan ang kanyang mga pahayag.

Nakukulangan daw ang senador sa ipinakikita ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na paggigirian ng ating bansa at ng China tungkol sa WPS.

Sana raw ay panindigan ni PRRD ang mga sinabi nito nu’ng panahon ng kampanya na sasakay ito sa jet-ski at itatanim ang ating bandila sa West Philippine Sea.

Hindi man sasabihin ay milyun-milyong kababayan natin ang nagbigay ng interpretasyon na kinakalaban ni Senador Pacquiao ang pananahimik ngayon ng pangulo sa pag-aagawan ng karagatan.

Magkapartido sina Pacman at PRRD, nilinaw ng kampo ng senador na hindi niya kinokontra si PRRD, naaalala lang daw niya ang mga isinigaw sa entablado de kampanya ng pangulo.

Pero napakaraming pinahanga ng pulitiko-boksingero sa kanyang pahayag, mabuti pa raw si Pacman at nagpapahalaga sa soberanya ng ating bayan, may mga nagkaroon din ng ideya ng mukhang tatakbo sa panguluhan ang Pambansang Kamao sa susunod na taon.

Komento naman ng kaibigan naming propesor, “Ang palaging upak nu’n kay Pacman, e, wala raw siyang alam. Wala raw siyang karapatang magkaroon ng upuan sa Senado.

“Pero sa nakikita natin ngayon, e, mulat na mulat siya, alam niya kung ano ang mga sinasabi niya. Alam niya na para sa bayan natin ang ipinaglalaban niya. Para sa mayorya,” papuri ni prop sa senador.

Malapit na ang eleksiyon, sa Oktubre ay magsusumite na ng COC (certificate of candidacy) ang mga nagpaplanong tumakbo sa iba-ibang posisyon, meron kayang nakatagong baraha ang kampeong boksingero na ikagugulantang ng buong bayan?

Abangan!!!!

COC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with