Andrea, kalmado sa kanyang paparating na birthday

Andrea

MANILA, Philippines — Kalmado ang dating ng awra ni Kapuso actress na si Andrea Torres sa latest pictures niya sa kanyang Instagram.

Eh nitong nakaraang mga araw, sinagot ni Andrea ang pahayag ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay sa pagdawit ng parents niya sa kanilang hiwalayan.

Eh kung tititigang mabuti ang hitsura niya, may ngiti na sa labi niya, huh! Move on na talaga siya. Lalo na’t birth month niya ngayon.

‘Yun nga lang, may followers/fans pa rin siyang hindi maka-move on sa breakup nila ni Derek lalo na’t naglalabasan sa IG ng hunk actor ang lampungan nila ng kanyang fiancée!

Sa totoo lang, dahil sa hiwalayang Andrea at Derek, natsugi na ang series na Sanggang Dikit na pagsasamahan sana ng ex-couple.

Tinanggal na rin ito sa line-up ng bagong shows ng GMA this 2021.

Tali, nasobrahan ng exposure sa araw

Eczema ang rason ng pagkakaroon ng white spots sa mukha ni Tali, anak ni Pauleen Luna kay Vic Sotto.

Sagot ni Poleng ‘yan sa nagtatanong tungkol sa white spots sa mukha ng anak. Ang sobrang exposure sa araw ang dahilan nito.

Pero more than the white spots ni Tali, kahanga-hanga ang memory ng bata. Sa IG ni Pauleen, may video na kumakanta si Tali ng Hail Mary.

“We taught her this song a year ago and happy that she still sings it until now,” pagmamalaki ni Poleng.

Shinoot niya ang video kaugnay sa Mary month this May.

 

Show comments