^

PSN Showbiz

Dennis at Julia, nagkomprontahan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis at Julia, nagkomprontahan!
Julia at Dennis
STAR/ File

Pain, trauma, hurt...

Ayos na ayos na talaga ang mag-amang Dennis and Julia Barretto.

At proof dito ang chikahan nila sa vlog ni Julia na may pamagat na “Questions I’ve Never Asked My Dad.”

Common knowledge sa showbiz na gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido ng ko­medyante sa kanyang pangalan noon.

Balita noon na nag-file pa siya sa korte ng petition to change her last name noong 2015.

Pero nang ma-debut si Julia ay nagpahayag itong hindi na niya ipatatanggal ang Baldivia sa kanyang pangalan.

Moving forward, plantsado ang lahat pero aminado pa rin si Dennis na isang COVID survivor na naging masakit sa kanya ang ginawa ng anak noon. “That was a dagger. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, kilala ka nang Barretto, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin yun,” sabi ng komedyante sa anak na blooming at alam mong in love.

Sinabi pa ni Dennis na kaya lang naman siya nagpa-interview noon tungkol sa nasabing issue dahil wala sa kanyang gustong makipag-usap. Frustrated daw talaga siya dahil walang sumasagot. “I was frustrated. No one wants to talk about it. Walang gustong makausap sa akin. Hindi ko maintindihan ano ang dahilan kung bakit kailangan ipatanggal? Baldivia ka naman talaga kasi ako ‘yung tatay mo. Makakabawas ba ‘yun sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba sa popularity mo? No,” seryosong sabi ni Dennis.

Pero sinagot siya ni Julia na hindi alam ng kanyang ama ang binigay na pain nito sa kanila kaya hindi sila sumasagot. “You question why you feel like nobody’s responding, not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us. That’s why you couldn’t hear from us. We were already too pained, too scared of you.

“I wish you would also recognize and acknowledge the fact that maybe ‘I have done something to scare my kids off.’ Before, when we would speak over the phone, you wouldn’t always have the best tone and the best choice of words. That scared me, that traumatized me, that scared me.”

In the end, sinabi naman nito gusto niyang makabawi sa mga anak. “Sana mabigyan ako ng chance na makabawi sa ‘yo, hindi lang naman sa iyo ako may atraso, sa marami rin. Hindi ko alam kung makakabawi pa ako, pero kung saan ako aabutin.”

Actually, inamin din ni Dennis sa nasabing vlog ni Julia ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Marjorie noon : “It became rocky because of my attitude, my temper. Ang dami kong pinagdaaanan kaya ako naging ganoon. Ang mommy mo, ang dami ring pinagdaanan na pagsubok dahil sa ugali ko.”

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with