Direk Toto, nangangailangan ng tulong

Direk Toto
STAR/ File

Nangangailangan pala ng financial assistance ang action movie director na si Toto Natividad.

May kumalat kahapon na post ng anak nito sa Facebook na si John Isaac Natividad : “Ako po ay mapagkumbababang humihingi ng tulong po para sa aking ama na si Direk Toto Natividad, kailangan po ma-confine ni papa sa ospital. nahihirapan po kami ngayon makahanap ng ospital dahil puno po lahat. baka po makahingi ng tulong niyo.”

Marami naman agad nag-post ng contact numbers ng One Hospital PH para matawagan ng pamilya ni Direk Toto.

I’m sure naman maraming magbibigay kay Direk Toto.

Show comments