^
Birthday Ni Regine âbinahaâ
Ogie at Regine
STAR/ File

Birthday Ni Regine ‘binaha’

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

Flooding kahapon sa social media ng birthday greetings para kay Asia’s Songbird Regine Velasquez.

At ang nanguna sa pagbati, ang mister niyang si Ogie Alcasid na next to God ang pagmamahal sa misis  : “Ngayong araw ay kaarawan ng Mundo (earth day) at kaarawan din ng aking Mundo. Ang mga pagkakataong ito na tayong dalawa ang magkasama lagi ay di ko maipagpalit sapagka’t kahit minsan na tayo ay may munting tampuhan, lalo pag nag uumapaw ang pag-ibig ko sa yo. Dasal ko na lagi kang may kapayapaan sa iyong puso at damdamin kahit na ang mga misteryo at tila kaguluhan ng buhay ay kadalasan na nakapanghihina. Katatagan ang hiling ko sa Dios para sa yo mahal, sapagka’t marami pa ang maiiambag mo sa ating sining at sa mga mang aawit at musiko na nangangarap na maging tulad mo. At sana’y mapanatili mo ang kaligayahang taglay mo lalo pa’t alam mo na ang daan, katotohanan at buhay na walang hanggan ay nanggagaling sa ating Panginoon at tagapagligtas. Mahal na mahal kita Regine. Sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko. Happy bday my love.”

Anyway, bukod sa birthday greetings, ang dami ring flo­wers and food na natanggap ni Regine na posted sa kanyang social media account.

Happy birthday, Songbird.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with