^
Xian consistent sa pagiging conservative
Xian at Kim
STAR/ File

Xian consistent sa pagiging conservative

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Ewan ko ba dahil like ko naman talaga si Kim Chiu, pero napa ‘hah’ ako sa story na kahit mag-sweetheart na sina Kim at Xian Lim, sa pisngi at noo lang ito hinalikan noong birthday niya.

Okey, conservative, prim and proper, at talagang sobra sa taas ng moral value, pero ano ba at bakit kailangang sabihin pa na sa noo at pisngi lang nahalikan ni Xian si Kim? ‘Pag tuloy meron kang malisya, iba ang papasok sa utak mo, ibang tanong ang ipapasagot mo. Dapat siguro ‘pag ganitong bagay, mas maganda na lang itago.

Okey, hanga ako sa self control ng dalawa na hindi tulad ng ibang hot-blooded young stars ay halos all-out na pagdating sa physical.

Kapuri-puri at isang malaking plus factor para kay Kim, at siguro, wow factor din sa moral discipline ni Xian. Pero hindi ba nag-open pa ito ng mas maraming questions? Hindi ba mas open pa ito ngayon sa intriga?

‘Pag ganito siguro, dapat maingat na rin sina Kim at Xian sa pag-share ng info.

Rhea Tan, ramdam ang  pagiging sincere

Alam mo, Salve, talagang napatunayan natin kung bakit BFF ng showbiz writers si Rhea Tan ng Beautederm. Grabe ang charitable heart niya. Alam niya siguro na pandemic kaya hindi siya mapakali na pati grocery items, pinadalhan niya tayo. ‘Yung gesture na iyon na talagang mahirap kalimutan kaya naman tunaw ang puso mo. Alam ko na para sa iba, bibigyan ng ibang kulay ang pagiging very kind ni Rhea Tan ng Beautederm. Puwede rin na isipin na sobra naman kung purihin natin siya. Pero sa tagal namin sa showbiz, siguro naman alam na rin namin ‘yung plastic at ‘yung sincere. Kung pakitang tao o user-friendly.

Sa nakita namin kay Rhea, totoo ang pagi­ging sweet at kind niya. Siguro naman bilang mahusay na businesswoman, siguro alam din niya kung sino ang mga tao na sinasamantala ang kabaitan niya.

Sana patuloy ang magandang suwerte ng Beautederm dahil marami siyang tao na natutulungan at napapasaya. Sana ay laging safe at healthy si Rhea ng Beautederm dahil isa siyang mabuting tao.

We will always be proud to be her friend, dahil she is such an angel kaya naman mala­king bagay na kaibigan mo siya. We love you, Rhea, forever, from Cristy Fermin, Mr. Fu, Salve and Gorgy Rula. From Take It… Per Minute Me Ganun, at sa nagbigay sa iyo ng Isah Red award na SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors, grateful for your sincere kindness. Salute!!!

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with