_ngayon
^
Geneva, nagluluksa pa rin
Geneva at mga kapatid
STAR/ File

Geneva, nagluluksa pa rin

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Ang bilis ng mga pangyayari sa ermat ni Geneva Cruz, si Mrs. Marilyn Cruz.

Nabalita lamang na nahawa siya ng COVID at dinala sa ospital noong April 11, matapos na kakitaan ng symptoms. Medyo nag-improve naman daw ang kalagayan niya noong nasa ospital at ang akala nila on the way to recovery na siya.Tapos biglang bumaba ang oxygen sa dugo, nag-46 na lang daw dahil nagkaroon siya ng severe pneumonia, at kailangan siyang ma-intubate. Pero ilang oras lang matapos ang balitang iyon noong Lunes, April 19, nagpasa­lamat na si Geneva sa lahat ng nakiramay sa kanila at nagdasal para sa kanyang ina
at sumakabilang buhay na nga. Kung iisipin mo, napakabilis dahil lahat nang iyan ay nangyari sa loob lamang ng walong araw. Napakasakit nga noon para kay Geneva at sa kanyang mga kapatid dahil naniwala silang papagaling na ang ermat nila nang biglang lumala ang kanyang pneumonia.
Kung mapapansin ninyo, ang COVID mismo hindi pumapatay eh pero may mga related disease na siyang papatay sa pasyente, at iyon ang kailangang pag-aralan. Pinag-aaralan pa iyan. Iyong mga bakuna nga pinag-aaralan pa hanggang ngayon kung may epekto nga laban sa COVID o wala eh. Kaya nga pinapipirma ka na alam mo kung ano ang isinasaksak sa iyo, at ikaw ang may responsibilidad sa sarili mo. Walang mananagot sa iyo. Nadala na sila sa Dengvaxia eh, na noong marami nang namamatay nadedemanda na sila. Dito sa atin, wala talagang naisasagawang mahusay na pag-aaral sa mga sakit. Umaasa lang tayo at nagbabasa ng reports mula
sa US at iba pang European countries.

Mayroon ba kayong narinig na report mula sa mga “kinikilalang eksperto” mula rito sa atin? Kaya nga wala tayong magagawa kundi ibayong pag-iingat, dahil sinasabi rin nila, mabakunahan ka man, kailangang may face mask ka pa rin, may face shield pa rin at lalayo ka pa rin ng isa o dalawang metro sa kausap mo dahil kung hindi, mahahawa ka pa rin ng COVID kahit may bakuna ka na.

Ang totoo niyan, wala na talaga tayong magagawa kundi umasa sa Diyos. Ang Diyos na lamang ang makatitiyak na hindi tayo magkakasakit, dahil hindi magagawa iyon ng bakuna.

Sa Diyos lang tayo maaaring umasa para sa ating kabuhayan, dahil mahirap asahan na may tutulong sa atin dahil baka ma-red tag pa.

Joshua, pinalitan na si James kay Nancy

Mukha ngang sinusuwerte nang husto si Joshua Garcia simula nang mawalan ng ka-love team. Ang balita ngayon ay babalik na sa Pilipinas ang Koreanang si Nancy McDonie para gawin ang kanyang teleserye sa ABS-CBN, at ang magiging leading man niya ay si Joshua Garcia. Napakalaking proyekto niyan, dahil ang balak daw diyan, dito nga gagawin pero may broadcast rights naman sila sa Korea.

Hindi lang leading man ni Nancy si Joshua, magkakaroon pa siya ng pagkakataong mapanood sa Korea, at ano ang malay ninyo kung magustuhan siya ng fans doon.
Siya na ang kapalit ni James Reid, na sa tingin namin ay wise decision naman dahil sa ngayon maliwanag na ang popularidad ni Joshua sa local fans ay mas matindi kaysa kay James na lumamig na ang career matapos ang mahigit na isang taong walang pelikula at wala ring TV show.
Napakasuwerte ni Joshua. Buti na lang wala na siyang ka-love team ngayon.

Male star na lumalabas sa BL series, hindi nagtagumpay sa pagsusuot ng brief

Inggit ang isang male star dahil nasingitan na naman siya ng isa ring male star na mukhang mas una pang napansin ng publiko ngayon kaysa sa kanya.
Sa kawalan ng trabaho, lumabas na nga siya sa gay series. Payag din naman siyang magsuot ng briefs sa endorsements, at nang gawin niya iyon, inaasahan niyang makakasama naman siya sa main endorsers ng kanyang batch. Kaso hindi pa rin, kasi may napansin ngang iba at naging talk of the town. Nawalan naman siya ng chances. Pero may nagbigay ng suggestion, kailangan daw niyang mahanap ang mahiwagang taklobo, mahimas niya iyon at nang siya ay ganap nang maging tao, hindi na isang “sirena” kagaya ngayon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with