^
Angel kung saan-saan din nakakarating!
Angel
STAR/ File

Angel kung saan-saan din nakakarating!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

In all fairness kay Angel Locsin, kung saan-saan din ito nakakarating kahit pandemic para sa kanyang programang Iba Yan.

Kaya nga dasal ng ibang followers niya -  kumandidato si Angel para naman mas maging malawak ang kanyang matulungan.

Kukumustahin nga ni Angel ngayong Linggo ang masisipag na coffee farmers mula sa Batangas at aalamin kung paano dumidiskarte ang mga ito sa buhay matapos maapektuhan ng pandemya, sa kanyang public service show na Iba Yan, na mapapanood sa A2Z Channel, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWant TFC, at TFC.

Isa sa ipakikilala ni Angel si Manolito Ramos-Vida na halos 35 taon nang nagsasaka. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, napagpatapos niya ang anak sa UP Los Banos. Ngayon katuwang na niya ito sa pagpapalaki ng kanilang sakahan.

Bukod naman sa pagsasaka ng coffee beans, mais, saging, kang kong, mustasa, at pechay, nagbebenta rin si Gina Rolle ng halo-halo, shake, at ihaw ihaw tuwing summer para ipandagdag sa kanilang kinikita. Makikita kung paano ang pagiging madiskarte ang kanyang naging puhunan para maitaguyod ang apat na anak.

Alamin din ang kwento ni Michael John Manalo na pinili mag-resign sa trabaho para pagtuunang pansin ang minanang lupain.  Hindi lang sa kanilang lupain siya umaasa, dahil nakapagtaguyod din siya ng bakery at sari-sari store na kanyang inaasahan ngayon habang nag-aantay ng ani.

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with