^

Mga napapanahong aral napapanood sa HKM...

(Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

Sa panahon ng walang kasiguruhan, mahirap makahanap ng pag-asa at inspirasyon sa araw-araw. Ngunit sa bagong Kapamilya inspirational series na Huwag Kang Ma­ngamba, in all fairness, makikita sa kuwento nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) na kayang-ka­yang harapin ang mga pagsubok sa buhay gaano man kahirap ang pinagdaraanan.

Narito ang mga mahahalagang aral sa serye na napapanahon ngayon:

Laging nandiyan ang Diyos - Sa kabila ng pagkabulag at paghihirap ni Mira, nanati­ling matatag ang loob niya dahil sa paniniwala niya sa Diyos Dahil dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang anumang laban sa buhay basta’t nagtitiwala siya kay Bro;

Ipagpa­salamat ang mga biyayang natatanggap, maging ang maliliit na bagay - Kahit na lumaki siyang walang pamilya, hindi ito naging hadlang para kay Mira na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa halip, mas tinitingnan at pinapasalamatan ni Mira ang mga taong tunay na kumakalinga at nagmamahal sa kanya, tulad na lamang ni Ate Barang (Sylvia Sanchez);

Laging nangingibabaw ang kabutihan - Sa kabila ng pang-aabuso at pagtataboy sa kanya ng kanyang pamilya, may kabutihan pa rin sa puso ni Joy. Pinipili pa rin niyang maging isang mabuting tao kahit na nahihirapan siyang makisama sa iba, habang ipinapakita naman nina Mira, Father Seb at Darling (Angeline Quinto) ang pagmamalasakit para sa kanya;

Walang pagsubok na hindi kayang harapin - Pinapatunayan ni Mira na kahit gaano pa katindi ang kailangang tiisin sa buhay, hindi dapat sumuko. Ilang beses man niyang pinagdudahan ang kanyang kakayahan na tuparin ang misyon ni Bro, nananaig pa rin ang kanyang tiwala na magandang resulta ang maidudulot nito;

Mahalaga ang pagmamahal para sa pamilya - Makikita ang kahalagahan ng pamilya sa mga sakripisyo ng tatay ni Pio (Seth Fedelin) para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya pati na rin kay Deborah (Eula Valdez), na gagawin ang lahat para maprotektahan ang mga mahal sa buhay. Kahit naman hindi magkadugo sina Mira at Ate Barang, mag-ina na ang turingan nila dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nila sa isa’t isa.

Mapapanood ito sa Huwag Kang Mangamba gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

ANDREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with