^

PSN Showbiz

Female personality gulung-gulo pa rin ang utak, hindi nakakatulog na walang ‘gamot’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw mabibili ng salapi ang kaligayahan. Hindi rin kayang resolbahan ng pera ang katahimikan ng kalooban. Maraming bagay sa mundo na hindi nakikinig sa kalansing ng pera.

Totoo naman. Kung kayang bilhin ng salapi ang kaligayahan ay wala na sanang milyonaryong malungkot pa rin sa kabila ng kanyang kayamanan.

Kung puwedeng bilhin sa mga sosyaling mall, talipapa at palengke ang peace of mind, di sana’y wala nang yayamaning kumokonsulta sa kanilang doktor para humingi ng gamot na pampatulog?

Maraming hindi nakakayang bilhin ang salapi. Palamuti lang ang turing ng marami sa pera, masarap lang mamuhay nang hindi kapos, pero may mga hindi kayang gawan ng paraan ang pera.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo bang hindi nakakatulog ang isang sikat na female personality kapag hindi siya umiinom ng sleeping pills? Hindi niya kayang matulog nang kusa, kailangan pa muna siyang uminom ng gamot, para antukin siya.

“Matagal na niyang problema ang hindi pagkakaroon ng tulog, kahit maghapon at magdamag siyang manood ng mga movies na type niya, kahit sobrang pagod na ang mga mata niya, e, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok!” unang rebelasyon ng aming impormante.

Ang antok daw ay dumadalaw lang sa tahimik na kalooban. Sa pusong walang kinikimkim na poot sa kanyang kapwa. ‘Yun lang ang dahilan para magkaroon tayo ng masarap na tulog.

Patuloy ng aming source, “Ang dami-dami ka­sing gumugulo sa isip ng female personality. Marami siyang tanong sa mundo. Puro paano ang mga tanong niya? Marami siyang kinatatakutan.

“Hindi pa ba naman siya natutuwa dahil kakainin nga lang ng mga kababayan natin, e, hindi pa nila alam kung saan kukunin, samantalang siya, e, may choice pa kung ano ang masarap sa panlasa niya?

“Ang dami-dami niyang choices, napakarami niyang biyayang mapagpi­pilian, tapos, meron pa siyang kinatatakutan? Ano pa ba naman ang kailangan niyang ikatakot?

“Sumikat siya nang sobra pa sa pinapangarap niya, wala na siyang mahihiling pa, kung nabawasan man ang ningning ng bituin niya, e, kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na walang forever!

“Alisin niya ang takot, itapon niya ang galit sa maraming tao na gusto niyang balikan at gantihan, makikita niya at palubog pa lang ang araw, e, inaantok na siya!

“Itatapon na niya ang mga sleeping pills na kinasanayan na niya, ibabato na niya ‘yun sa ba­surahan, sa totoo lang!” napakadiing payo ng aming impormante.

Ubos!

Derek at Ellen, ayaw lubayan ng bashers!

Kailangan nang ihanda nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang mga sarili sa walang habas na bashing na puro naman walang basehan.

Kahit pa magdesisyong manirahan na sa ibang planeta ng magkarelasyon ay hindi pa rin sila tatantanan ng mga bashers. Pareho kasi silang sikat.

Masarap silang inisin. Masarap silang bulabugin. At puwede ring may kumukumpas sa ibang bashers para sila guluhin.

Ang pinakahuling pamba-bash sa malapit nang magpakasal ay minahal lang daw ni Derek si Ellen dahil ito ang nagbayad ng kanyang pagkakautang. Susme! Napakalayo nu’n sa katotohanan.

Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig si Derek. Sa ibang bansa pa siya pinag-aral ng kanyang mga magulang. Huwag naman sanang menosin ang katayuan sa lipunan ng kanyang pamilya.

May alam kaming ganyang kuwento. Nalubog sa pagkakautang ang isang kilalang male personality (sa larangang kinabibilangan nito), isinalba ito ng isang anak-mayamang babae, naging magkarelasyon sila hanggang sa nagpakasal na.

Ngayon ay parang alkansiyang butas na ang babae, kaliwa’t kanan na ang pagkakautang dahil sa pagsunod sa layaw ng kanyang mister, lalo na’t nasapul pa ng pandemya ang mundong pinagkakakitaan nito.

Tama ang sigaw ni Ellen Adarna, “Hindi ako pangit para maging sugar mommy!” At ang komento naman ni Derek, “Wala akong utang!”

Sino naman kaya ang sumulat ng script na ‘yun bilang pambubulabog kina Derek at Ellen? Hindi magaling ang sumulat, mara­ming bigas na isasaing at kakainin pa ang nagmaniobra nu’n, dahil parehong ipinanganak na kabilang sa mga bukod na pinagpala ang magkarelasyon.

Pero ang maganda kina Derek at Ellen, sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay hindi pinalaki ang ulo nila ng kayamanang kinagisnan nila, na­ririnig namin ang papuri sa kanila ng mga artista at staff na nakakatrabaho nila, nakatapak ang kanilang mga paa sa lupa kahit puwede naman silang pinagbago ng kayamanan.

Sabi ng isang nakausap naming artista, “Si Derek? Wala lang, he’s one of the boys lang, very humble, magaling makisama, sincere siya.”

At ganu’n din si Ellen Adarna.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with