^
Tonton at Glydel, ayaw magtrabaho nang sabay!
Tonton at Glydel
STAR/ File

Tonton at Glydel, ayaw magtrabaho nang sabay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Ang saya ng mga anak nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado nang mag-decide silang huwag sabay na magtrabaho ngayong pandemic. Naisip kasi nina Tonton at Glydel na dahil lock-in ang trabaho ngayon, dapat hindi sila sabay na mawawala sa bahay. Like kung naka-lock in si Tonton, dapat walang trabaho si Glydel, at vice versa. Mga babae kasi ang dalawang anak nila, at dalagita na ang panganay kaya naisip nila na hindi puwede na pareho silang wala sa bahay.

Good decision for their family. Sana nga naman kung uwian at na-check nila pag-uwi ang mga bata gaya ng normal na schedule noon, eh ngayon, naka-lock in ka at hindi puwedeng uwian. Kahit nga naman alam mo na safe sila, iisipin mo pa rin dahil dalawa kayong wala sa bahay, paano na kung may mangyari.

Talagang dapat konting sakripisyo ‘pag mga ganitong panahon, at salamat naman at ito ang naisip nina Tonton at Glydel.

Una muna ang safety, at salamat dahil patuloy ang trabaho.

TIPMMG, nakaka-energize!

Alam mo ba, Salve, na parang na-energize ako sa paglabas noong Tuesday para sa Take It... Per Minute, Me Ganun. Parang feeling very light at no problemo ang lahat after ng tawanan natin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Parang naisip ko eklay lang na may pandemic, lalo na nang malaman ko na after tsumika ng blind item ni Gorgy Rula, tumuloy pa siya sa accupuncture clinic.

Wala lang, for a day, ginawa nating normal ang lahat, problema lang ni Japs Gersin at Tina Roa ‘yung Ultralite na sabon ng Beautederm.

Sabi naman ng pamangkin ko na si Apple, bakit daw panay ang punas ko ng ilong, akala niya meron akong sipon, naku, pati sipon kinatatakutan na natin dahil sa COVID-19.

Sabi ko nga, ok na sa seven days a week, at six days ay walang alisan ng bahay. Pero one day please, kitakits naman tayo para may iba namang eksena ang buhay natin sa pandemic. Huwag naman seven days na talagang house arrest, isang araw lang, ok na.

LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with