^
Vice, ginagawa ang lahat para aliwin ang sarili
Ion at Vice
STAR/ File

Vice, ginagawa ang lahat para aliwin ang sarili

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Ilang linggong nag-replay ang It’s Showtime kaya hindi nakapagtrabaho si Vice Ganda dahil sa pagpapalawig ng community quarantine sa Kamaynilaan. Sa mga panahong pananatili lamang sa bahay ay sinikap umano ng TV host na huwag makaramdam ng kalungkutan. “’Pag nabagot ka, ‘pag nalungkot ka, ang daming pumapasok sa isip mo, so ‘yon ang iniiwasan ko. So para hindi mabagot, ang dami kong ginawa. Pero I’m not saying na dapat ‘di tayo nalulungkot kasi dapat talaga hinaharap rin natin ‘yung emosyon. And your emotion is valid whether or not you’re happy or sad. Whatever you are feeling, that is valid,” paliwanag ni Vice.

Upang malibang ay kinailangan umanong bumili ng komedyante ng badminton net at basketball ring upang mayroon silang mapag­libangan ng kasintahang si Ion Perez sa bahay. “Lahat ng paraan para malibang gagawin namin. Kasi ako especially I choose not to be sad. So buti na nga lang, nakapag-ipon ako. So ngayon nakakagawa ako ng paraan para libangin at aliwin ang sarili ko,” giit niya.

Umaasa at patuloy na nananalangin si Vice na matatapos na ang pandemya ngayong taon upang manumbalik na sa normal ang lahat. “Kini-claim ko, matatapos itong pandemic na ito, itong year na ito. I have been praying for this thing ever since. Every day pinagdadasal ko ito na magamot lahat ng may karamdaman at eventually matapos na itong pandemic and that will happen this year,” pagtatapos ng Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar.

Sarah, ‘di na takot kay Annabelle

Marami ang napapaisip kung paano ang relasyon ni Annabelle Rama bilang biyenan ni Sarah Lahbati. Kilala ng publiko ang ina ni Richard Gutierrez bilang prangka at mataray pero ayon kay Sarah ay magkasundo sila ng dating aktres. “My tip would be to not judge a book by its cover. As we all know, kilala si Tita Annabelle na masungit, mataray. But for me, the more I got to know her, the more I was patient and quiet kasi you have the option,” makahulugang pahayag ni Sarah.

Noong magkasintahan pa lamang sina Richard at Sarah ay nakaramdam na rin ng takot ang aktres kay Annabelle. Dalawa na ang apo ngayon ni Annabelle kina Richard at Sarah at talagang alagang-alaga raw nito ang kanilang buong pamilya. “Akala ko din nakakatakot siya, masu­ngit, maingay. Yes, sometimes she’s still maingay, pero more than anything napaka-thoughtful niya, napakabait. Minsan magpapadala sa bahay ng kung anu-ano. Hindi naman namin binanggit na kailangan namin ng ganito, ng ganyan. Magpapadala ng pagkain, minsan magpapadala ng kurtina. ‘Yung mga bagay na naaalala niya na kailangan sa bahay. She is sweet in that way,” pagbabahagi ng aktres.

(Reports from JCC)

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with