^
Tsina? Kebs lang: Gerald Anderson, Julia Barretto nangisda sa West Philippine Sea
Makikitang nangingisda ang showbiz couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kalagitnaan ng West Philippine Sea — isang teritoryong pilit inaangkin ng Tsina kahit na exclusive economic zone naman ng Pilipinas.
Mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

Tsina? Kebs lang: Gerald Anderson, Julia Barretto nangisda sa West Philippine Sea

James Relativo (Philstar.com) - April 14, 2021 - 7:31pm

MANILA, Philippines — Walang-takot na talaga ang showbiz couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa paglalantad ng kanilang relasyon sa ngayon — kahit Tsina pa ang kaharap.

Matapang kasing ipinakita ng celebrities ang kanilang panibagong bonding activity nitong Martes: ang pangingisda sa West Philippine Sea na pilit inaangkin ng gobyerno ng Beijing.

"Enjoying the sunrise of our beautiful country in the West Philippine Sea," wika ng kontrobersyal na aktor sa isang litrato kahapon para sa fishing trip nila ni Julia.

"The best things in life come with patience," dagdag pa ni Gerald sa Instagram habang tangan ang pagkalaki-laking isda.

 

 

Kita ring nakangiti sa mga litrato si Julia habang nag-aabang ang dalawa na kumagat sa pain ng pangbingwit ang mga isda.

Tila sayang-saya rin ang 24-anyos na aktres sa nasabing karanasan at tinawag pa itong "Moments we live for."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

 

Bagong 'diplomatic protest' sa West PH Sea

Nataon ang pagpunta ng celebrity jowaers doon isang araw bago maghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs dahil sa pananatili ng 240 Chinese ships sa West Philippine Sea — isang lugar sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

"The National Task Force for the West Philippine Sea denounces the continuous swarming in the WPS by Chinese Coast Guard (CCG) and Maritime Militia which are claimed by Chinese authorities to be ordinary fishing vessels," ayon sa statement ng NTF-WPS kagabi.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang tabuyin ng missile boats ng Tsina ang crew nina ABS-CBN News reporter Chiara Zambrano, na bibisita sana sa Ayungin Shoal. Sa nabanggit na lugar kasi naglalagi ang Philippine Navy sakay ng BRP Sierra Madre.

"China must be held to account for its aggressive imperialist acts, not only for them to leave Julian Felipe Reef but also to salvage the country's dignity from the administration's humiliating servile relationship with China," ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Zarate kanina.

"Finally, the administration of Pres. Duterte  should now prioritize and advance the country's own  interests."

BAYAN MUNA PARTY-LIST CHINA DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with