Glaiza, nahawa rin!

Glaiza

Asymptomatic si Glaiza de Castro na nag-positive rin pala sa COVID-19 ayon sa kanyang interview sa 24 Oras.

“Pinapakiramdaman ko na ‘yung sarili ko kung meron akong mga nararamdaman, wala at all. Kaya dun ako nag-quarantine o self-isolate sa condo ko ng mga ilang araw until tumawag na ko sa lab na pwede na kong magpa-reswab, nag-okay naman sila and, thankfully, negative naman po ako.”

Ang ang pakiusap niya sa lahat, huwag magpakampante kahit walang nararamdaman.

Kailangan daw damahin ang sarili at manatili sa bahay hangga’t puwede.

Before Glaiza, inamin din ni Rhian Ramos na na-infect din siya ng coronavirus.

Hindi nila binanggit kung paano at saan sila nahawa nito.

May ilan pa raw aamin na gumaling din at na-infect ng virus na mas mabilis daw ngayong makahawa.

 

Show comments