_ngayon
^

PSN Showbiz

Mga basher sa anak ni Janella, walang puso!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga basher sa anak ni Janella, walang puso!
Markus, Jude at Janella

How cruel naman ng bashers ni Janella Salvador. Hindi naman talaga dapat isali ang anak niyang si Jude sa bashing, at lalong hindi dapat na ganun sila kalupit sa bata.

Hindi kasali ang anak nila sa propesyon nila, walang malay at inosente, bakit isinasali?

Duwag ang mga gumagawa nito, ultimate bobo, bata ang kalaban mo?

Saka bakit kailangan nating husgahan ang buhay ni Janella?

Kung anuman ang buhay na gusto niya, kung anuman ang ginawa niya, sa sarili lang niya siya dapat magpaliwanag. Buhay niya iyon, siya ang nagdadala. Hayaan natin na lumaki ang bata sa pagmamahal ng mother niya, huwag nating isama agad sa cruelty ng mundong ito.

So unfair and so unjust. Leave the baby alone.

Kamatayan sa gitna ng pandemya, parang tanggap na agad

Bakit ganun lately para bang hindi ka na nagugulat ‘pag may nabalitaan kang namatay? Iyon bang para bang at this point in time, you expect the worst lagi, kaya ‘pag sinabing namatay si ganito, parang tanggap mo na agad, hindi mo na itatanong kung bakit, para bang dahil pandemic kaya namatay.

Biglang nagkaroon ka na ng parang fatalistic attitude towards life, na para bang ano ang magagawa mo kundi tanggapin na lang.

Parang dahil sa COVID-19 ay naging bato na ang puso natin sa pagtanggap ng tragedy. Para bang, what do you expect, siyempre, marami ang mamamatay.

Sana naman, hindi ito hopelessness, hindi pagsuko sa part natin sa pagharap sa pagsubok.

Let us still hope that everything will be ok, na malalagpasan din natin ito.

Condolences sa pamilya ni Nestor Torre, isa sa brilliant writers natin na namatay ilang araw lang ang nakakaraan. Let us pray for his soul.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with