^
Dating aktres at TV host Mildred Templo, na-cardiac arrest din!
Mildred Templo

Dating aktres at TV host Mildred Templo, na-cardiac arrest din!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 12:00am

Nagulat din kami nang mabalitaan naming namatay na ang aktres at TV host na si Mildred Ortega Templo.

Aywan namin kung sino pa sa mga aktibo sa showbiz ngayon ang umabot sa panahon ni Mildred.

Naging contract star siya ng Lea Productions noon at siyang itinambal kay Jay Ilagan doon sa Happy Hippie Holiday. Kumakanta rin noon si Mildred, at naging recording artist siya ng Wilears’ Records ni William Leary.

Natatandaan namin, doon pa namin pinupuntahan si Mildred sa tinitirahan nilang apartment building noon sa Timog, tapat lang ng GMA.

Mabait si Mildred at sa terms ngang ginagamit noong panahong iyon ay “kalog.” Magkasabayan sila halos sa Lea noon ni Hilda Koronel. Pero dumating ang panahon na na-in love siya sa noon ay Major pa lamang na si General Mitz Templo, at nag-asawa na nga.

Tumigil sa pag-aartista si Mildred, pero nalinya naman siya sa public service. Hindi lamang siya host ng sinasabi ngang longest running public service program, ang Kapwa Ko Mahal Ko, nagtayo pa siya ng sarili niyang foundation na tumutulong sa mga pasyente ng Heart Center noon.

Natatandaan namin, noong huli naming pag-uusap ni Mildred, nang magtanong siya sa amin kung papaano niya kami matutulungan matapos niyang marinig na inatake kami sa puso noon.

Hindi namin nalaman na na-stroke pala siya bago mag-Mahal na Araw at napasok nga sa ICU ng Veterans’ Memorial Hospital. Hindi mo naman siya mapupuntahan doon dahil sa restrictions nga­yon sa mga ospital dahil sa COVID, kaya nga may nurse naman daw na nakaalalay kay Mildred, pero maging ang kanyang asawang si General Templo ay hindi siya mapuntahan.

Hanggang noong Abril 8 nga, inatake siya sa puso, mga bandang alas-kuwatro ng madaling araw. Ginawa naman ang lahat para mai-revive siya, pero siguro nga gusto na siyang pagpahingahin ng Diyos. Siya ay 68.

Kung titingnan mo ang buhay ni Mildred, mahigit na kalahati noon ay naukol sa paglilingkod sa kapwa. Ang kuwento nga niya, binigyan siya ng Diyos ng masayang buhay na may kaluwagan, kaya gusto niya kahit na sa sariling pamamaraan lamang ay makapaghatid rin siya ng kaluwagan sa kanyang kapwa.

Natatawa na nga lang siya noong huli kaming magkausap, dahil minsan daw may dumarating na lang ang sulat na sinisingil siya sa kanyang mga utang, at iyon ay dahil sa mga gamot ng mga pas­yenteng kanyang tinutulungan.

Kami, naaalala namin si Mildred bilang isang kaibigan, noong panahong ang mga artista at ang press ay tunay pang magkakaibigan.

Gerald walang takas sa gaslighting at ghosting

Matindi ang lumalabas ngayon kay Bea Alonzo laban sa dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Hindi lang “ghos­ting” o biglang pang-iiwan nang walang dahilan. May bintang pa rin siyang “gaslighting” ibig sabihin ang pilit na pagkokondis­yon sa isipan ng biktima na lahat ay kasalanan niya.
Ito ay matapos na umamin si Gerald na totoo nga ang relasyon nila ni Julia Barretto, na mahigit na isang taon nilang ikinaila at itinago sa publiko, kasabwat din siyempre ang mga miyembro ng kanilang pamilya.
Palagay namin ang huling pahayag na iyan ni Bea ay mas malaki pang dagok kay Gerald.

Talagang mahirap niyang takasan iyang “ghos­ting” at sinasabi pang “gaslighting” ngayon.

Ang inaabangan, kailan mangyayari iyan kay Julia? Ano kaya ang iniisip nina Kim Chiu at iba pang naging dating syota ni Gerald?

Mga personalidad na rumaraket sa mga bading at pulitiko, desperado na

“Intindihin mo ang mga lumilihis ng landas. Hindi mo rin sila masisi, mga personality sila. Basta nakita silang sumakay sa jeep itsitsismis sila. Basta kumain sila sa karinderya, tsismis din. Basta nag-ulit sila ng damit pipintasan sila. Basta nagnegosyo online nilalait din at minsan nakakantiyawan na bakit naman daw pinababayaran pa ang paninda. Kaya wala silang magawa, pa-dyokad na lang sila,” sabi ng isa naming source.

Pero mas mabuti pa raw iyong mga babae, kumakabit na lang sa mga negosyante at politicians. Iyong mga lalaki iyan ang lumalabas na pa-dyokad talaga. “Kasi ang mga bakla ngayon, ayaw na ng kept boy dahil sanay na sila ng ino-onse din sila. Kaya binabayaran na lang nila kung magkano ang presyo ay pagkatapos noon ay wala na. Marami naman ang pumapatol dahil pandemic lockdown at wala silang pinagkakakitaan,” sabi pa ng aming source.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with