^
Derek, tinanggihang ibigay kay Ellen ang 7.8 carat diamond ring mula sa ina
Derek
STAR/ File

Derek, tinanggihang ibigay kay Ellen ang 7.8 carat diamond ring mula sa ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang tungkol sa nangyaring marriage proposal ni Derek Ramsay sa kasintahang si Ellen Adarna.

May ilang online bashers ang nagsabing ipinasa lamang diumano ni Derek ang engagement ring sa aktres mula sa mga dating kasintahan. May nagsabi namang bigay diumano ng sponsor ang diamond ring na ibinigay ng aktor kay Ellen. “Sa mga basher na sinabing pinagpasahan ko ‘to eh ‘di dapat nasa news ako na engaged na before, ‘di ba? First time ko narinig na ex-deal. That’s funny pero ‘yun nga, they said that this ring has been passed on to all my exes and that’s just so low. Because the stress I had with the ring everyone saw it. I’m numb already. I don’t understand their way of thinking anymore.

“Naguguluhan na talaga ako. There’s stuff na I’m marrying Ellen because of the money. Parang sige na, just throw whatever it is that you want at me. I’m a happy boy and I think if you guys can see that, you’re my friend,” pagbabahagi ni Derek.

Kapansin-pansin na talagang malaki ang diamond sa naturang engagement ring. Ayon kay Derek ay muntikan nang ang mismong ina ang magbigay ng diamond ring para sa engagement ng magkasintahan. “My mom was going to give me a 7.8 carat to give to Ellen. I was like, ‘Mom, I can’t take that from you. I think a 7-carat diamond is just way too big for an engagement ring. So if you want to give that to me to give to Ellen as a pendant or a necklace for the future?’ Sabi ko I want to purchase this one.’ So I learned a lot about diamonds. It was perfect, it was how I ima­gined it. I tagged the people who did the ring because I’m appreciative. There’s no ex-deal here. My God, ang cheap naman no’n. This is me getting married. This is me proposing. Hindi ko nga tinanggap ‘yung 7.8 carat diamond from my mom, ‘di ba?” kuwento ng aktor.

Melai, nagagalit kapag hinihingian ng pang-tuition ng mga kamag-anak

Mahigit isang dekada nang aktibo sa show business si Melai Cantiveros. Taong 2009 nang tanghaling Big Winner ang aktres sa Pinoy Big Brother. Kahit patuloy na kumikita ay hindi umano nagbibigay ng tulong-pinansyal si Melai para sa pag-aaral ng mga kamag-anak. “Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, ‘Ba’t ako, tuition fee ng anak mo? Eh anak mo ‘yan,’” pagtatapat ni Melai.

Pinapagalitan daw ng aktres ang mga kamag-anak na lumalapit sa kanya upang hu­mingi ng tulong.

Pinapaunawa naman ni Melai sa kanyang mga kadugo na kailangang maghanapbuhay nang maayos para maitaguyod ang mga pangangailangan sa araw-araw. “The best ‘yung maging breadwinner pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunyari nagtatrabaho si ate, dapat nagtatrabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, ‘Ba’t ako mag-tuition fee?’ Papagalitan ko talaga, mangi­nginig ka talaga. ‘Pag responsibilidad mo, responsibilidad mo ‘yan kasi pinasok mo ‘yan. Hindi puwedeng ako ‘yan. Puro lalaki ang kapatid ko, hindi sila umaasa sa akin kaya nasanay talaga ako,” paliwanag ng aktres.

Nabibigyan ni Melai ng suporta ang mga kamag-anak sa ibang pamamaraan. Kapag umuuwi sa General Santos ay ang aktres ang sumasagot sa gastusin ng kanilang mga pamamasyal o pagbabaksyon sa iba’t ibang lugar. “Kapag umuwi ako sa GenSan sa December, i-prepare n’yo na ang bag n’yo. Kasi hindi na kayo makaka-stay sa bahay n’yo. Kasi pupunta kami sa Davao, sa Bohol. Ako lahat ‘yan,” nakangiting pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with