^

PSN Showbiz

Korean actor/­singer, may pa birthday concert

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korean actor/­singer, may pa birthday concert
Lee Joon-Gi

April 17 pala ang birthday ni Lee Joon-Gi. Pareho pala sila birthday month ng anak mo, Salve, na si Aries.

Naisip ko, 40 years old na siya sa April 17 eh meron pa yata siyang pa-birthday treat sa fans niya na parang lib­reng concert, dance and sing siya kahit na 40 na siya.

Parang mababait ang mga may birthday ng month ng April, sina Richard Gomez, Lani Mercado, Jinggoy Estrada, Vic Sotto, Shalani Soledad, Enrico Roque, Ricky Lo, Perci Intalan at Marissa Flores ng GMA News.

Bongga sila, very friendly at very artistic. Naku, kung member na ako ng fans club ni Lee Joon-Gi nasa Japan dapat ako sa kanyang fan meet. Paano iyan eh may mga travel restrictions ngayon? Saka paano ang fan meeting eh may social distancing.

Kaloka ang mga problema ko hindi naman ako invited sa fan meeting hah. Kainis naman, bakit ang dami kong idol na Oppa, tapos hindi ko makikita dahil walang biyahe sa Korea. Hay naku, dagdag pa sa problema ng pandemic ang mga nagi­ging problema ko ha, pero in fairness dahil sa marathon watching ko hindi ko napi-feel na ang tagal na pala ng ECQ, overacting na ang mga nangyayari, at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung kelan ako mababakunahan dahil wala pang advice na puwede na akong bakunahan.

Naku, kung puwede lang bumili ng sariling bakuna, buy na lang ako para wala nang problema.

Luis at Jessy, perfect match

Cute naman na kasal na pala sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. At least very private ang nangyaring kasalan, at kahit nga may balak na another wedding sa Palawan ang dalawa, ‘yung civil wedding nila na nagawa nilang very private. Mabuti na rin dahil nag-share rin naman sila sa followers nila, plus iyon ngang balak na second sa Palawan late this year.

Bagay na bagay sina Luis at Jessy, at mukhang magtatagal ang pagsasama nila.

Napaka-maayos na tao ni Luis, inihanda ang sarili para sa pag-aasawa, financially at emotionally. Mukhang magiging matatag ang kinabukasan nina Luis at Jessy dahil nga merong foresight at handa sa lahat ng dara­ting na pagsubok sa buhay. Parang kilalang-kilala na nila ang isa’t isa at wala nang getting to know you stage sa kanilang married life.

At tama rin ang edad nila para magkaroon ng babies, everything planado. Perfect match. Congrats, Luis and Jessy.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with