^

PSN Showbiz

Serye ng Dongyan, tuloy na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Serye ng Dongyan, tuloy na?!
Marian at Dingdong
STAR/ File

Ang dami nang naghihintay sa nababalitang project ng GMA 7 na pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kasi nga, kung magkasama ang dalawa, ang saya ng magiging lock-in dahil puwede nilang isama ang mga anak na sina Zia at Ziggy sa hotel na tutuluyan nila, kaya parang staycation na ang mangyayari.

Dahil siyempre COVID-free lahat ng nasa set kaya safe rin ang mga bata sa bukod na room para sa kanila.

Mas madali nga siguro kung ganun ang magi­ging setup ‘pag nagka-project na magkasama sina Dingdong at Marian. Dahil siyempre hirap din si Marian na malayo siya sa mga anak, lalo pa nga at gusto niyang tuluy-tuloy ang pagiging hands-on mother sa dalawa.

‘Yung ipinakita ni Marian na dedication niya bilang ina sa dalawang bata, talagang kapuri-puri.

Family first talaga ang motto nina Marian at Dingdong, kaya naman happy family ang Dantes household.

Tulungan ang sarili...

Hindi na nga siguro panahon ito ng finger pointing. Wala nang turuan kung sino ang mali, kung ano ang tama. Dapat na talaga na sarili na lang natin ang asahan para mag-survive, at together, mag-work para mas maging matibay.

Hindi puwede na ang gobyerno at leaders natin ang asahan at sisihin. Dapat tayo ring mga mamamayan ay gumawa ng paraan para makatulong. Kung hindi tayo magtutulungan, lalo tayong mababaon.

Grabe na ang sitwasyon, second wave na ng lockdown, quarantine at paghihigpit. At pagkatapos nito, ano pa ang hihintayin mo, pagbangon uli pero mas mahirap. Sabi ni Bill Gates last month of 2023 pa aayos ang lahat, so medyo matagal na pagtitiis ang gagawin natin.

Habang hinihintay natin iyon, maganda na tayo na rin ang umayos ng puwede nating ayusin. Wala na ‘yung iaasa pa natin o isisisi sa gobyerno o leaders natin. Tingnan na lang natin kung ano ang solusyong makikita nila, pero habang hinahanap nila, tulungan natin ang mga sarili natin.

vuukle comment

DONGYAN

TULUNGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with