^

PSN Showbiz

Andrea, may pinanghinayangan sa hiwalayan nila ni Derek

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Andrea, may pinanghinayangan sa hiwalayan nila ni Derek
Andrea

Si Andrea Torres ang special guest sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo.

Maingat at safe ang sagot ng Kapuso sexy actress sa unang segment nilang May Pa-Presscon.

Siyempre, kailangang pigain nina Boobay at Tekla ang isyung breakup nina Andrea at Derek Ramsay pero nagpaka-safe na lang si Andrea. Inamin niyang may mga pinanghihinayangan siya sa mga nangyari. Ang mga oras at panahon daw na nasayang dahil sa pandemyang dumating.

Hindi niya binanggit kung pati ba ang nakaraang relasyon ay pinanghinayangan din niya. Pero sinabi naman ni Andrea na all-out daw siya ‘pag pumasok sa isang relasyon. “Sa akin kasi, all out kasi ako eh,” pakli niya.

Kaya kapag nakawala na raw siya sa isang relasyon, maaaring wala nang balikan dahil naibigay na raw niya ang lahat. “All out ako sa relasyon. ‘Pag dumating sa point na kumalas na, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. So, okay na,” saad niya.

Kaya noong ipinakita ang video clip ng interview sa TBATS kay Sef Cadayona na tinanong siya kung liligawan ba niya uli si Andrea, mas pinili ng comedian/TV host na makipag-reconnect na raw at mabalik ang dating friendship.

Sabi naman ni Andrea, may contact naman daw sila ni Sef ngayon at nagtatawagan paminsan-minsan. “Friends lang kami talaga. Matagal na kaming hindi nag-uusap eh. Pero ngayon okay naman uli,” pakli ni Andrea.

Sa ngayon ay nakagugol siya sa pamilya at sa trabaho niya dahil magkakasunod na ang taping nila sa Legal Wives. “Usually kasi ‘pag ganito, binibigyan ko talaga ng time ‘yung sarili para mag-isa. Para ‘pag dumating ‘yung next, all out ulit,” nakangiti niyang pahayag sa TBATS.

Pepito… tatapusin muna?!

Kapag papasok na sa Holy Week medyo pababa ang viewership sa TV shows kaya tamang-tama ngayong Semana Santa papasok ang replay ng Ang Dalawang Mrs. Real na papalit sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Hanggang bukas, Miyerkules na rin ang Magkaagaw na consistent ding mataas ang rating. Dito nabuo ang tandem nina Jeric Gonzales at Klea Pineda na tinanggap naman ng mga manonood.

Masusundan kaya ng isa pang project na pagsasamahan nilang dalawa?

Samantala, okay naman ang viewership noong nakaraang Sabado, pero ang napapansin lang namin ay bumababa ang rating ng Pepito Manaloto.

Naka-13.4 percent ito noong nakaraang Sabado, March 27 at noong nakaraang linggo ay 13.8 percent.

Totoo kayang magsi-season break muna ito?

Ang latest kasing narinig namin ay magkakaroon lang daw ng taping pagkatapos ng Semana Santa, at magsi-season break nga muna.

Pinag-iisipang papalitan muna pansamantala ng isa pang sitcom na ang cast din ng Pepito ang lalabas. Pero hindi na yata kasama roon si Michael V. dahil may iba muna siyang pagkakaabalahan.

Wala pa namang kumpirmasyon ‘yan. Pero abangan na lang muna kung ano ang susunod na magaganap, at kung ano ang announcement ng GMA 7 kaugnay dito.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with