^

PSN Showbiz

Samantha Bernardo hinangaan sa Miss Grand International, pero kinabog ng dating talunan sa Miss Earth!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Samantha Bernardo hinangaan sa Miss Grand International, pero kinabog ng dating talunan sa Miss Earth!
Samantha Bernardo

Big deal ang pagsubaybay dito sa atin ng Miss Grand International 2020 na ginanap sa Thailand.

Marami rin ang nanood sa Vivamax ng Tala concert ni Sarah Geronimo, pero mas pinag-usapan ang Miss Grand International na kung saan lumaban nang husto ang kandidata nating si Samantha Bernardo.

Dati naman ay hindi pinapansin ng mga tao ang pakontes na ito na tingin ko hindi naman kasing-prestigious ng Miss Universe, Miss World o kahit nga sa Miss Earth.

Pero siguro dahil sa uhaw na tayo sa normal na event kagaya nitong beauty competition, tinutukan siya dahil talaga namang malakas ang ating kandidata.

Bukod pa riyan, nakakainggit panoorin ang Thailand na parang wala nang pandemya sa kanila at nagagawa na nilang mag-stage ng ganito kalaking event.

Ang daming nadismaya na ‘di nasungkit ni Samantha ang title dahil sa final question sa kanilang top three, mas totoo at mas tama ang sagot ng ating kandidata.

Nadala lang sila ni Miss USA Abena Appiah sa sagot niyang may halong Thai. Iyan ang isang talent niya na kaagad natututo siya ng ibang lengguwahe.

Nakalkal kasi na sumali na rin siya sa Miss Earth dito sa atin noong 2019. Pero hindi bansang Amerika ang ni-represent niya kundi ang Ghana.

Kaagad na kumalat sa social media ang video clips ng mga interview sa kanya na ang galing niyang natutong mag-Tagalog.

Winner ang sagot niya sa interview sa kanya ni Kuya Mario Dumaual na may binitiwan siyang linyang; “Ang batang malakas kumain ay laging may Ghana!”

Siya rin ang nagsabi sa preliminary nang magpakilala siya; “Let’s conserve water, gumamit ng tabo at palang-Ghana!”

Kaya napansin siya at sa Miss Grand International ay napansin na naman siya at nakuha pa ang title.

Sabi ng isang kaibigan, siya raw ang in-appoint ng franchise ng USA na lumaban sa naturang competition. May dual citizenship daw kasi itong si Miss Ghana; half American, half Ghana at may one-third pa raw na pagka-luka-luka, kaya wagi sa titulong iyon na dini-deadma naman natin noon.

Bukod sa Thailand ay tila normal na rin daw sa Egypt, kaya tuloy na rin doon ang Miss Eco-International na gagawin naman sa April 4.

Ang kandidata nating si Kelley Day ang lalaban sa naturang kumpetisyon at may mga naiisip na rin siyang pa-gimmick na gagawin pagdating sa Egypt.

Ilang live tv show replay muna

Dahil sa desisyon ng Malacañang na ibalik tayo sa ECQ sa buong Semana Santa, nakansela ang mga live show sa TV pati ang taping ng ilang TV programs.

Replay na ang ipinalabas sa All-Out Sundays dahil nag-decide na rin ang GMA bosses na i-cancel na lang pati ang taping ng mga susunod na episodes.

vuukle comment

SAMANTHA BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with